Kinabukasan madami kaming inasikaso para sa kasal,para akong robot na sunud-sunuran sa mga gusto nilang mangyari at gawin.
Parang nawalan na ako ng gana sa buhay,kung hindi Oo puro tango lang ang sinasagot ko sa kanila. Nandito kami ngayon sa isang restaurant,nagfofood tasting kami para sa menu sa reception at para sa gagawing cake.
Sabi ni Dad dadating ngayon yung anak ng business partner nya na pakakasalan ko.
Dapat nung engagement party ko pa sya nakita pero yun na nga tumakas ako at hindi na rin ako nagkaroon ng pagkakataong makita at makilala sya.
Noon wala akong pakialam kung ano o sino sya kasi ayoko syang pakasalan kasi hindi ko sya mahal.
Pero what for pa eh kung yung mahal ko nga nagagawa akong traidorin,might as well marry the one that I don't love.
Baka this time,makahanap na ako ng kakampi yung hindi ako lolokohin at paglilihiman.
Mayamaya pa dumating na si Dad,kasama ang isang lalaki na sa tingin ko ay ang lalaking pakakasalan ko.
"Krishna this is Red Montenegro your soon to be husband,Red this is Krishna my daughter"
"Hi Krishna finally I meet you" nakangiting sabi nya sa akin sabay abot ng kamay nya.
Gwapo si Red,mayaman,may matipunong pangangatawan,Tall dark and handsome ika nga. At sa tingin ko maginoo din sya,mas lalo pa syang gumagwapo kapag ngumiti sya at kapag tumingin sya kahit sino yatang babae maiinlove sa kanya.
Sya ang na yata ang ideal boyfriend at perfect husband material. Eh pa'no naman kaya magmahal ang katulad nya? Pa'no kaya mahalin ang katulad nya?
Pero bakit ganito kahit na gaano pa sya kaperfect,may iba pa ring hinahanap ang puso ko? Parang may kulang na kung ano.
"Umupo ka nalang" walang gana kong sabi. Hindi ako tumugon sa pakikipagkamay nya.
Nagulat si Dad sa ginawa ko pati na rin ang receptionist namin,si Red naman halatang napahiya sa ginawa ko.
"Krishna, You don't have to be rude" saway sa akin ni Dad.
"It's ok Tito, I understand nice meeting you Krishna" sabi nya sabay upo sa tabi ko.
"O sige maiwan ko muna kayo at may kaylangan pa akong asikasuhin"
"Sige po Tito,take care" nakangiting sabi ni Red habang palaalis si Dad.
Umalis na si Dad,at naiwan kaming dalawa dito. Hindi ko kinakausap si Red o kahit kinikibo man lang sya din ang sumasagot sa lahat ng tanong ng receptionist.
"Ma'am Krishna? Are you with us?" Sabi ng receptionist sa akin.
Natauhan naman ako ng marinig ko yun,kanina pa kasi lumilipad ang isip ko.
"Ah miss,mukhang pagod na yata sya can we continue this later?" Sabi ni Red.
"Ok Sir we'll continue this later" tumayo na yung receptionist at nagpaalam kaya kaming dalawa nalang ang natira.
Hindi ko pa rin sya kinakausap at kumain nalang ako ng mga cake na nasa table namin.
"Tayong dalawa nalang oh! Kaya hindi mo na kaylangang magkunwari" sabi nya sa akin.
Tinignan ko sya ng may halong pagtataka. "Ano?"
"Ang sabi ko tigilan mo na ang pagkukunwari,wala na sila oh sige ka baka mamatay ka nalang dyan sa kinauupuan mo" sabi nya sabay ngisi.
"Pa'no mo naman nasabing nagkukunwari lang ako?"
"Come on! Wag na tayong maglokohan pa dito,pareho nating alam na arrange marriage lang 'to at walang sinuman ang may gusto na ipakasal sa taong hindi nya mahal"
"Ano naman sayo?"
"Pareho lang tayo,ayoko din namang makasal sayo ayoko na magkaroon ng panghabangbuhay na commitment sa isang babae"
"Wala naman tayong magagawa kahit ayaw nating pareho eh"
"Sabagay tama ka sa isang banda,pero papayag ka nalang ba na matali ka habangbuhay sa isang lalaking katulad ko?"
"Bakit anong klaseng lalaki ka ba?"
"Kakasabi ko lang ayoko ng panghabangbuhay na commitment sa isang babae,so expect the worse" nakangisi nyang sabi.
"So ganyan ka nalang habangbuhay ganun? Masaya ka ba sa ganyan?"
"Kung masaya ako? Hmm..hindi ako masaya,masayang masaya" buong galak nyang sabi.
Ibang klase syang lalaki,kawawa lang ang babaeng magmamahal sa kanya ng totoo kasi hindi naman nya kayang manindigan ng habangbuhay. Ayaw nyang lumagay sa tahimik at mukhang nag-eenjoy lang sya sa company ng mga babae.
Ibang-iba sya sa lalaking minahal ko at mahal ko pa rin hanggang ngayon. Ngayon ko lang napagtanto na mahal ko talaga sya,pero hindi pwede hindi na pwede.
Napabugtong hininga nalang ako, sa pagkatao ni Red Montenegro nakahanap ako ng kakampi. At nalinawan ako sa mga bagay-bagay.
[Author's Note: Curious na ba kayo sa pagkatao ni Red Montenegro? Well abangan nyo po ang story nya Soon na ipapublish ko,ang title ay Loving Red Montenegro. Salamat sa lahat ng nagbabasa ng BHSL! sana suportahan nyo din ang story ni Red. Love Lots! :* -Ate Luvi]
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
![](https://img.wattpad.com/cover/9790788-288-k386546.jpg)
BINABASA MO ANG
Basta HOLDAPER,Sweet LOVER ❤
NouvellesHer holdaper is her lover?!OMG i smell trouble!...but what if malaman mo na trinaidor ka nya mamahalin mo pa rin ba sya?o magmomove-on ka na?.. This is a story of Krishna Jewel Oxford na isang anak ng mayamang may-ari ng isang tanyag na jewelry shop...