❤Contented

159 15 2
                                    

Sa bawat araw na dumadaan natututunan ko na rin makibagay sa mga tao at klase ng pamumuhay nila dito. Kahit na hindi 'to kasi rangya ng buhay ko dati ang importante at masaya ako.

Palagi ang pinupuntahan ni Aling Marta sa inuupan kong kwarto para kumustahin ako at dalhan paminsan-minsan nga ulam,dahil ang laging nagdadala sa akin ng ulam ay ang anak nya na si John.

May kasungitan si John pero tama si Aling Marta,mabait talaga sya at sa bawat araw na dumaadaan mas lalo akong nahuhulog sa kanya.

Hindi nahulog na ako sa kanya

"Aba Krishna bakit ka nakatunganga dyan? Galaw galaw madami tayong costumers oh" Sabi ng boss ko.

Nagtatrabaho na ako ngayon bilang isang waitress sa isang karinderya,mula noong umalis ako sa poder nina papa naranasan ko ang mga hindi ko pa nararanasan at nagawa ko ang mga bagay na hindi ko pa nagagawa.

Mahirap Oo pero ang importante malaya ako at kasama ko ang lalaking mahal ko. Lagi nya akong sinusundo sa pinagtatrabahuan ko,hindi ko alam kung nanliligaw na ba sya o ano basta ang alam ko pareho kami ng nararamdaman sa isa't-isa I hope so

"Ano pong order nyo Sir?" Tanong ko dun sa lalaking nakacap habang nakayuko.

Bigla akong kinabahan para kasing pamilyar sya at yung cap na suot nya,pinagpawisan ako ng malamig.

"Pwede bang bigyan mo ako ng isang serve ng Krishna paki-take out nalang" Sabi nya at bigla nyang iniaangat yung ulo nya.

Saka ko lang napagtanto kung sino sya Si John lang pala.

"Oh? Bakit ganyan yung mukha mo? Para kang nakakita ng multo?" Tanong nya sa akin sabay hawak sa kamay ko.

Nakahinga ako ng maluwag ng malaman kong sya lang pala yun "Walang hiya ka talaga! Ikaw lang pala yan!" Sabay hampas ko sa braso nya.

"Aray! Bakit? Sino bang inaakala mo?"

"Wala Nakakainis ka!" Sabi ko sabah talikod ko pero hinila nya ako at niyakap mula sa likod.

"Teka John nagtatrabaho pa ako oh! Ang daming tao dito,ano ba yang ginagawa mo?"

"Galit ka kasi eh, Sorry na kung natakot kita"

"Bitawan mo na ako" Sabi ko habang pinipilit na tanggalin yung pagkakayakap nya pero sadyang malakas sya

"Ayoko! Hangga't hindi mo ako pinapatawad" Mariin nyang sabi,kaya naman nakuha na namin ang atensyon ng mga kumakain.

"John Tinitignan na nila tayo oh!"

"Wala akong pakialam,hindi kita pakakawalan hangga't hindi mo ako pinapatawad" Gosh! Bakit ba ang kulit ng lalaking 'to?

"Patawarin mo na!" Sigaw nung isa sa mga costumers namin.

"Oo nga kawawa naman sya oh!" Sabi pa nung isa.

Hanggang sa karamihan na sa kanila sinasabi na patawarin ko na si John. Namula ako sa kahihiyan at kilig. Si John naman pangisi-ngisi pa.

"Oo na pinapatawad na kita kaya pwede mo na ba akong bitawan?" binitawan na nya ako.

"Pinatawad na nya ako!" Sigaw nya.

"Ayiee!" Sabi ng mga tao at yung iba sumisipol pa.

"John tumigil ka na nga! Bakit ka ba kasi nandito?"

"Pagbigyan mo na ako,hindi mo ba alam na birthday ko ngayon?"

"Talaga? Happy birthday!" Masigla kong sabi.

"Psh! Basta mamaya ha? Susunduin kita kasi may konting salu-salo sa bahay"

"O sige?"

"Sige aalis na ako,balik ka na sa trabaho mo baka mapagalitan ka pa sisihin mo pa ako" sabi nya sabay halik sa noo ko atsaka tuluyan ng umalis.

Pagkaalis ni John nakatingin parin pala akin yung mga costumers kaya namula ako nakakahiya naman! Nakita nila siguro yung ginawa ni John kanina'Yung iba kinikilig din at yung iba natatawa nalang.

"Oh Tapos na ang palabas! Balik na sa trabaho Krishna!" Masungit nyang sabi. Psh! Inggit ka lang! Palibahasa matandang dalaga ka

Bumalik na ako sa trabaho ng may ngiti sa mukha,sa bawat araw na dumadaan hindi pumapalya si John sa pagpapakilig sa akin. Palagi nya akong pinapasaya at ipinaparamdam nya sa akin na espesyal ako.

Kaya kahit wala na sa akin yung mga bagay na meron ako dati pakiramdam ko prinsesa pa rin ako at mayaman pa rin ako mayaman sa pagmamahal ng lalaking mahal ko

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Basta HOLDAPER,Sweet LOVER ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon