❤His Revelation 2

156 13 2
                                    

Sinubukan kong itama ang lahat ng pagkakamali ko para sa kanya,pinutol ko ang kumunikasyon ko sa Papa nya at hindi na muli pang tumanggap ng utos mula sa kanya.

Pero sa mismong araw ng kaarawan ko ginulantang ako ng isang tawag.

(Flashback)

Habang naglalakad ako papunta sa pinagtatrabahuan ni Krishna ng biglang magring yung cellphone ko.

Tinignan ko pero no. lang at walang pangalan kaya sinagot ko ito.

"Hello? Sino to?" Tanong ko.

"Ang bilis mo naman yatang makalimot John"

"M-Mr. Oxford?"

"Mabuti naman at naalala mo pa ako,ibalik mo na sa amin ang anak ko"

"Ayoko Mr.Oxford,ayoko ng lokohin pa si Krishna"

"Oh..mukha yatang nahulog ka na sa anak ko,pwes ito lang ang masasabi ko John ibabalik mo sya dito o ako mismo ang kukuha sa kanya dyan"

"Hindi sya sasama sa inyo"

"Tignan natin John,tignan natin" sabi nya sabay putol ng linya.

(End of Flashback)

Madami akong nagawang maling desisyon,pero isang desisyon lang ang sa tingin ko ay tama at yun ang mahalin si Krishna ng totoo at walang halong pagkukunwari.

Totoo ang nararamdaman ko sa kanya at totoo din ang lahat ng ipinakita ko sa kanya. Hindi ko ginustong lokohin sya,siguro natakot lang ako na baka mawala sya kapag nalaman nya kung sino ako.

At nangyari na nga ang kinatatakutan ko,nawala na sya sa akong at ang mas masakit pa ay hindi nya man lang pinakinggan ang paliwanag ko.

'Wala na si Krishna,iniwan na nya ako'

_Her POV_

"Krishna thank goodness your back!" Sabi ni Mom sa akin pagkarating na pagkarating ko sa bahay namin.

Hindi na ako sumagot dahil lumilipad ang isip ko. Iniisip ko pa rin ang mga nangyari. Si John pala ang lalaking nabigay sa akin ng trauma ng gabing yun.

Kaya siguro,kinakaban ako tuwing may ginagawa syang pamilyar. Kaya pala may pagkakahawig ang kilos nila dahil iisa lang sila.

Kaya pala pinagpapawisan ako ng malamig kapag kasama ko sya,ibig sabihin ba nito Infatuation lang ang naramdaman ko sa kanya at hindi tunay na pagmamahal?

Pero kung ganun nga bakit ang sakit? Bakit ako nasaktan sa ginawa nya? Nahurt lang ba ang ego ko? O feeling ko pinagkaisahan ako ng mga taong mahal ko at inakala kong mahal din ako?

"Kalimutan mo na sya Krishna,hindi ka nya totoong mahal ginawa nya lang ang lahat ng yun ng dahil sa pera" sabi sa akin ni Dad.

Hindi ko alam kung paniniwalaan ko na si Dad o panghahawakan ko pa rin ang mga sinabi ni John.

Kung pagkukunwari lang pala ang lahat bakit parang totoong mahal nya ako,bakit pakiramdam ko totoo ang lahat ng ipinakita nya sa akin.

Iniling ko nalang ang ulo ko. Hinawakan ako ni Mom sa balikat.

"Are you ok?" Tanong nya sa akin.

"I wish I am Mom,but I'm not"

"Pagod lang sya Dianne,kaya pagpahingahin muna natin sya" sabi ni Dad.

"Sige Krishna magpahinga ka na,manang pakisamahan po si Krishna sa kwarto nya"

"Opo ma'am"

"Rest well Ija,bukas aasikasuhin na natin ang kasal nyo ni Red"

Hindi ko nalang sya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa kwarto ko.

Napakadaming nangyari ngayong araw,kaylangan ko talagang magpahinga. Pagod na ako,pagod ng magmahal,pagod ng magtiwala at pagod na ring masaktan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Basta HOLDAPER,Sweet LOVER ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon