One Shot!

73 5 0
                                    

Dedicated to pilosopotasya and JBabyBlueee

Thank you for inspiring me :)

-----------------------

Jamaica POV!

Hindi ko parin makalimutan ang araw na nakilala kita. Sobrang saya ko noon na para bang nabumuo na ang pagkatao ko at ikaw ang nagsilbing kulay nito. Ang corny mang pakinggan pero totoo.

Linggo, at naghahanap ako noon ng pwedi kong maging letrato sa aking ginagawang journal. Hanggang sa matapat ang camera sayo, hindi ko alam kung bakit ko kinlick ito, ito kasi ang sabi ng puso ko.

Ilang araw ang lumipas ngunit hindi ko parin sinubukan tignan ang letrato mo. Hanggang sa sumapit ang linggo, binuksan ko ang aking DSLR. Hinanap ko ang letrato mo na natabunan na sa iilang larawan. Hanggang sa natagpuan ko na ito kumalabog ang aking dibdib.

Sa larawang iyon ay nakatingin at nakangiti ka pa sakin na naging dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko. Sa buong araw ay ganoon ang nararamdaman ko. Kaya nagpasya akong hanapin ka.

Bumalik ako sa Parke, ngunit hindi kita nakita ni anino mo. Pero hindi ako sumuko at araw-araw akong bumibisita doon, nagbabakasakaling darating ka.

Haha! Ang saya no? Hide and seek tayo.

Pagkaraan ng tatlong buwan ay sa wakas nakita na rin kita. Kaya hindi na ako nagdalawang isip na puntahan kita at kausapin. Kinakabahan ako and the same time masaya rin.

Nag "Hi" ako saiyo at nag "Hello" karin naman. Nang nagkamayan na tayo biglang may kuryente na dumaloy sa mga ugat ko. Sign na ba ito na tayo ang magkakatuluyan?

Buong araw kitang kakwentuhan na para bang walang katapusan ang kwento mo. Hanggang sa nagyaya kanang umuwi, hinatid mo ako saamin at nagpalitan pa tayo ng numero. Ang saya saya ko talaga non, hindi mawala wala ang mga ngiti sa labi ko.

Hanggang sa naging magkaibigan tayo, habulan tayo sa daan at walang sawa kang nakikipagkulitan sa akin. Minsan nga naiisip ko mukha na tayong sira kasi pinagtitinginan na tayo ng mga tao.

Pero kahit ganoon wala akong pakelam hanggang kasama kita. Ikaw ang nagsisilbing inspirasiyon ko sa lahat ng bagay. Ikaw ang nandiyan lagi sa tabi ko kapag may kailangan ako at may promblema.

Hindi mo talaga akong kayang iwan no?

Isang araw pinakilala kita sa mga magulang ko ngunit kunot noo lang ang binalik nila saakin, sabi pa nga nila "Gutom kana siguro" at ngimiti pa sila. Ngunit dinala kita sa kwarto ko at doon tayo nag-usap at nag-asaran.

Hanggang sa narealize ko na mahal na pala kita. Hindi ko alam kung tatanggapin mo ako kasi alam kong kaibigan lang ang kaya mong isukli sa akin, pero OK lang at least na sabi ko nararamdaman ko diba?

Ngunit hindi ako nilubayan ng isip ko. Kaya gumawa ako ng sulat para sayo na nagsasabi ng mga nararamdaman ko. Habang sinusulat ko ang mga katagang gusto kong ipamahagi sa iyo ay ang bilis ng tibok ng puso ko.

Ang love letter na iyon ay pinaganda ko talaga. Ibibigay ko kasi sa iyo iyon sa Linggo dahil iyon ang date nang nagkakilala tayo.

Iniisip ko na nga iyong Anniversary natin.

Habang dumadaan ang araw ay maslalo akong kinakabahan baka kasi ireject mo lang ang feelings ko. Pero hindi ako sumusuko, sabi kasi nila "Hindi mo malalaman kung Hindi mo susubukan" kaya hinding-hindi kita bibitawan anumang mangyari.

Linggo na, at ito ang araw na magtatapat na ako ng nararamdaman sayo.

Nasa malayo palang ako pero tanaw na kita at pati narin ang taglay mong kagwapuhan.

Sa una nga andami ko pang paligoy ligoy pero sa huli na sabi ko rin ang katagang "I love you". Nang marinig mo iyon, nagbago ang ekspresiyon ng mukha mo. Pero ang hindi ko talaga makakalimutan ang mga katagang binitawan mo bago ka lumisan.

"Jam sorry. Mahal kita pero hindi tayo bagay sa isa't-isa. Kung baga langit ka lupa ako, kahit kailan hinding hindi pweding maging tayo. Paalam uuwi na ako kung saan ako nararapat"

At tuluyan mo na akong iniwan. Walang araw kitang hindi iniisip lagi pa nga akong nasa tambayan natin pero ikaw! Tuluyan mo na akong kinalimutan.

Isang araw habang nakaupo ako sa madalas nating upuan ay may kumausap sa aking matanda.

"Iha? Lagi kitang nakikita rito na parang may kausap. Minsan nga tumatakbo kang mag-isa at pati narin tumatawa. OK ka lang ba? Wala ka namang kasama."

Nanlumo ako sa mga sinabi niya. Ever since wala akong kausap, kalaro, kakwentuhan, at kakulitan?

Hindi ka ba talaga nag-eexist sa mundo?

Ilusiyon lang ba talaga kita?

Hanggang ngayon ay isa ka paring palaisipan na kahit kailan ay hinding hindi magkakaroon ng kasagutan.

Sa mundong ito wala talagang mag-eexist na forever at kahit kailan di magkakaroon ng happily ever after.

Parang tayo di pa nagsisimula, tapos na agad.

Pero hinding hindi ko makakalimutan na naging parte ka ng buhay ko kahit sa maikling panahon.

Wakas...
••••••
A/n: Sana magustuhan niyo. Vote and comment narin. First short story Ko po ito. Thank you for reading.

God bless! :)

-Elis❤

Captured (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon