/4/
One week passed like a lightning. Sinisimulan ko ng isipin na rumor lang yung dalawang transferee dahil wala namang pumapasok since Monday. Noong tinanong sa gossip team ang tungkol sa dalawang transferee, sabi nila the news came from the principal's mouth himself kaya nagtataka ang lahat.
Well as for me, I don't really care much about that. I was enjoying myself with the school's interesting couples.
Kasalukuyan akong naglalakad papuntang canteen kasama si Ayah. Yeah, you heard it right. Ayah Castillo. After the conference, inatasan ni Ma'am Lin—our adviser—si Ayah na i-tutor ako in Science dahil nga yun ang may pinakamababa kong grade. Hindi naman ako umangal dahil tinanggap na ni Ayah before I could decide and come think of it, we could have some 'girly' talk.
Nakarating kami ng canteen nang walang nag-sasalita. Nag-paalam siya saglit na kakausapin yung mga kaibigan niya bago siya susunod sa akin kaya umorder na ako.
Tinanong niya ako kung saan ko daw gusto mag-aral, sabi ko sa canteen. She insisted na kung pwede daw sa library nalang dahil mas tahimik pero sabi ko sa canteen nalang para maka-kain kami habang nag-aaral. She thought it is weird but I don't think it is.
Bumili ako ng chicken club sandwich, orange juice in bottle at dark chocolate. Nakita ko na papalapit si Ayah na katatapos lang kausapin yung mga kaibigan niya. Inantay ko siya hanggang sa maka-order siya.
Naghanap kami ng upuan na medyo malayo sa crowd at ingay. Saktong may nakita ako na pangdalawahan na upuan sa may sulok ng canteen kaya inaya ko siya doon.
Pagkaupong-pagkaupo, tinanong niya agad ako kung pwede na kaming mag-aral. Napatawa ako ng mahina. Hindi naman siya excited, 'no?
"Yes, you can." medyo natatawa kong sabi.
Sinimulan niyang buksan yung Science book na hawak niya.
"Todays lesson will be Heredity. Sabi ni Ma'am Lin, you have hard time in Heredity." sabi niya habang binubuklat yung libro. She talk to me as if I was in kindergarten.
Nagsimula na siyang mag-explain and i-discuss yung mga terms. I pretended as if I was listening pero ang totoo ang napapansin ko ay yung tingin ng isang tao mula sa kabilang dulo ng canteen. Syempre sino pa ba, the one and only Vince. His eyes was piercing Ayah. Hindi manlang nag-effort na hindi ipahalata na nakatingin siya.
"Hey, are you listening?" tanong saakin ni Ayah kaya napatingin ako sakanya.
"Yup, I am." nakangiti kong saad.
"I know it is complicated and it's hard to understand. Pero konting tyaga lang sa pag-aaral at maiintindihan mo rin yan." mahinhin niyang sabi.
"I'm going to take that." sabi ko at nakinig ulit sakanya habang kumakain ng dark chocolate.
I'm impressed on how she explain every term detailed. Kahit na matagal ko ng alam 'tong topic na 'to for years, parang mas naintindihan ko yung lesson. It seems like she knows the topic too well na hindi na siya nahirapan na i-explain saakin.
. . . . .
"So, you get it know?" tanong niya pagkatapos kong masagot yung mga tanong niya after discussing.
"Yes, thank you." sabi ko at ngumiti.
Sinara niya yung libro at nag-labas ng notebook galing sa bag niya. Kumunot yung noo ko. Para naman saan yan?
BINABASA MO ANG
Not-so-Ordinary Ordinary
Teen Fiction"Yup. I'm plain ordinary." Have you ever wondered on how an 'others' point on view is on those 'lovey-dovey' stories? Like when you already knew the whole story and stuff but you yourself still look forward on what will happen? The feeling when you...