/2/

19 1 0
                                    

/2/



        Napangiti ako noong makita ko si Lisa na papasok ng canteen. As usual, nakasukbit pa rin ang backpack niya sa kanan niyang balikat. Yung palda niya na hindi ko alam kung palda nga ba kung matatawag dahil parang papunta na sa tokong shorts yung porma nito. Yung uniform niya na naka-tuck out at medyo madumi pa ang dating. Yung buhok nito na halatang hindi nasusuklayan ng maayos at mukhang pinilit na ipusod lang. Yung sapatos niyang—scratch that—rubber shoes na napakadumi na nagmistulang nakipagbuno siya sa putik. Kakaiba din siyang maglakad dahil mukhang anytime ay makakasuntok siya ng haharang sa dinadaanan niya. 

Siya si Lisa Martinez. Ang siga ng school. Karaniwan sa mga lalaki dito ay 'tomboy' ang tawag sakanya dahil sa ayos niya. Wala ring nagtangkang mang-bully sakanya dahil noong huling may nang-bully sakanya ay sa hospital ang diretso nung lalaki. Oo, lalaki. At hindi lang basta-basta lalaki dahil si Dice Gonzales lang naman ang lalaking yun. Ang pinakamalaking bully ng school na 'to. Walang sinuman ang hindi nakakaligtas kapag ikaw na ang napagtripan nito pero isang tao lang ang nakaligtas doon at ayun si Lisa. At uhh...tatlong araw din siyang naconfine sa hospital dahil sa mga bugbog ni Lisa sakanya. Simula nun ay wala ng nagtangka pang banggain si Lisa. 

Napatingin rin ang mga tao noong pumasok siya, yung iba ay napaiwas agad noong tiningnan na sila ni Lisa. Kahapon lang nakapasok si Dice at nakabenda pa yung buo niyang kaliwang braso at sabi nila ay nabali daw yung ibang buto doon. Wala akong idea kung ano ang nangyari pero alam ko lang ay takot na ang buong school kay Lisa. Ipapakick-out sana si Lisa pero nag-salita si Dice at sinabi na siya daw ang may kasalanan. Gulat ang lahat ng tao nang malaman nila yun. 

"Si Dice? Aamin na siya ang may kasalanan?" sabi pa nung iba noong narinig nila yung balita.

Ang kakaiba pa ay biglang naging tahimik si Dice kaysa noon. Total opposite, yan yung nangyari kay Dice. Walang nakakaalam ng totoong nangyari kaya nanahimik nalang ang lahat. Oh well, for me, I think there really is something between them. And I am about to figure it out.

Nung wala na akong masipsip sa milkshake ko, ibinaba ko 'to at kinuha yung muffin. Kumagat ako at tiningnan ulit si Lisa.

Kitang-kita ko kung paano umirap si Inigo noong dumaan sa lamesa nila si Lisa. Tinaasan naman ni Lisa ng kilay si Inigo bago lagpasan yung lamesa nila.

You see, Inigo is a uhm...gay? I don't really think he is one tho. Malambot kasi siya gaya ng isang babae. If you look at him, hindi mo mapapansin na bakla siya pero pag tiningnan mo na yung kilos niya, your mind will change from 100 to 1. Mas maarte pa siya sa babae and he roll his eyes more girly than I do, imagine that. Everyone knows his true nature and no one dares to insult him because he and Dice are best friends. Weird, right? The bully and the gay are best friends. I think they were childhood best friends. Back to the story, Inigo was mad at Lisa for what she did to his best friend. I could feel his blood boiling whenever she is near him.

The thing is, I actually think they look good at each other. Maybe it's just me but they actually have a good connection. I know deep inside, Inigo has a manly heart and Lisa has a girly? heart. She's not really a tomboy for me, maybe just...boyish? 

And here is the twist, everyone thinks that Inigo likes Dice even though it is just a rumor. I don't know from what planet does this school student's brain came from but it is clearly a bromance. Lahat sila nakita sa kakaibang paraan ang pagiging close nilang dalawa kahit na ang totoo ay pure brotherly feeling lang naman yun. I remember na naging mailap si Inigo at Dice sa isa't isa pero bumalik rin naman yung friendship nila after.

Natutuwa nga ako sa dalawang yun dahil kahit na anong gawin ng iba para ipaglayo sila ay nanatiling matibay ang pagkakakibigan nila. 

Napangiti ako ulit noong makita ko na sinundan ni Inigo ng tingin si Lisa. Maybe he's curious? Lisa is actually a transferee this school year and wala pa sakanila ang nakakakilala sa kaniya ng lubusan o kung saan siya nanggaling. She is mysterious. 

He's curious and she's mysterious.

"It actually rhymes," I whispered realizing a lame rhyming that was formed because of my weird thoughts.

I laughed at myself and shook my head.


. . . . .


Guess what subject it is? Of course, my favorite, Science.

Nakapangalumbaba ako dito at tinitingnan yung board namin na punong-puno ng mga sulat. 

Heredity...DNA...Genes...Genotype...Phenotype...

Ugh. Why do I have to memorize this again and again?

"Ms. Salazar," napatingin ako kay Ma'am noong marinig ko yung apelyido ko.

Ramdam ko ang tingin saakin ng mga kaklase ko habang tumatayo ako.

Not again. I thought.

"Give the genotypic ratio of the progeny." she said while pointing the board.

Tinitigan ko lang yung board. Looking blankly at the letters that was written there. I'm so done looking at those again and again.

3 minutes passed bago naliwanagan si Ma'am, "Sit down." 

At last. 

"Please listen to me, Ms. Salazar. This is one of the hardest lessons we discussed and I don't think that attitude of yours suits my class." she lectures me while raising an eyebrow.

Hardest lessons. I mocked in my head. I've studied lessons harder than that.

Umupo at muling tiningnan yung board. Nakita ko pang umiling si Ma'am bago nagpatuloy sa pag-discuss.


. . . . .


Tiningnan ko yung mga kaklase ko na nanginginig na sa nyerbyos noong maaninag yung mga magulang nila na nasa labas na ng classroom namin. Sa classroom ginaganap ang makapagdamdaming paguusap ng parent/guardian at adviser kaya naman ano nalang ang takot nung ibang estudyante.

Inayos ko yung gamit ko at lumabas ng classroom. Nakita ko ang ibang parents na nasa tabi ng classroom. Kakaunti palang naman ang nandito kaya hindi ako nahirapan na lumabas.


Umupo ako sa isang bench na malapit sa gate ng school para antayin si Aunt Mia.

I could see different faces today. Sinusundan ko ng tingin yung mga mag-asawa na dumadaan sa harapan ko. Mayroong mga magulang na yung nanay lamang o tatay ang dumating. Mayroong mga may kasama na bata, probably a sibling.

Ang tagal ni Aunt Mia.

As of in cue, nag-ring ang hawak kong phone at lumabas ang pangalan ni Aunt Mia doon. Sinagot ko ito.

"I'm already here, Mara. Where are you?" sabi ni Aunt Mia.

Napatayo ako at tiningnan ang entrance ng school. Agad kong nakita yung sasakyan ni Aunt Mia.

"I'm here at the gate," sagot ko at itinaas yung kamay ko para makita niya, "and I'm waving my hand." at iwinagayway yun.

Nakita ko na sandaling linibot ni Aunt Mia yung mata niya bago tumigil sa kinaroroonan ko.

"I'm coming." sabi niya bago ibinaba yung cellphone.

Inantay ko siya hanggang sa makalapit siya.

"Am I late?" she asked as she reached me.

"Not really." sagot ko at tiningnan yung relos ko.

"I wish there is something new, Mara." sabi niya habang naglalakad kami papuntang classroom.

"Something new," I whispered as I shrugged lightly.

Maybe there is something new. 


. . . . .


I looked at our classroom door. Nakaupo ako sa isa sa upuan na inilihera sa hallway para sa mga magulang na dadating. Nakaharap ito sa pinto ng classroom at anytime ay lalabas na si Aunt Mia.

Maya-maya pa'y lumabas si Aunt Mia na hawak na ang card ko. Her face was screaming disappointment.


.  .  .  .  .  .

Not-so-Ordinary OrdinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon