/7/

10 1 0
                                    

/7/





He is here. Dice is here. I'm quite surprised how he looked so worried.

Dang-there is definitely something fishy in here.

"Lisa." sambit niya at dali-daling pinuntahan si Lisa na nakaupo sa kama.

Uhh-am I going or not?

Lisa looked so pissed at napakagat pa sa labi niya, "Anong ginagawa mo dito?" medyo pabulong na sigaw niya kay Dice.

"Narinig ko yung nangyari sa'yo." sabi ni Dice. Nagulat pa ako sa tono nun dahil maririnig mo talaga ang pag-aalala.

"Tsk. Sabi ko naman-" bahagya akong nagulat nung tumingin saakin si Lisa at sinundan yun ni Dice nung nakita niyang nakatingin si Lisa saakin.

"Anong tinitingin-tingin mo diyan?" nakataas ang kilay na tanong niya saakin.

"Oh... yeah. Hehe." napakamot ako sa likod ng tainga ko nung narealize ko na nandito pa pala ako sa clinic.

Sayang, I should've heard what they were talking about.

Kailan ka pa naging chismosa, Samara? I heard a tiny voice in my head.

Lumabas ako at dahan-dahan na sinarado ang pinto. Medyo napahiya ako dun, I admit.

Nagpakawala ako ng buntong hininga pagkasarado ko ng pinto. I felt awkward for a second. I looked stupid there I want to slap myself.

Pero may parte saakin na gusto ko marinig ang pinaguusapan nila. Malas ko lang dahil soundproof ang mga kwarto sa buong eskuwelahan.

I suddenly stopped my track nung may naramdaman akong presensya malapit lang.

Wala ng tao sa corridor dahil kanina pa natapos ang recess kaya nagtaka ako.

Lumingon ako at hindi ako nagkamali dahil nakita ko siya.

"I knew he's here." nakangisi kong bulong.

Inigo is there, behind the trash can malapit lang sa clinic. Kung papakinggan, para siyang ninja or spy pero para sa perspective ko, he looks stupid. Peeking in the clinic door while his butt and his head showing behind that trash can. Hindi ba niya narealize na malaki siyang tao? Haha.

Tiningnan ko yung relo ko.

"10 minutes before the next subject." sambit ko.

Aantayin ko nalang matapos bago ako pumasok sa classroom. 10 minutes nalang naman. And malay natin, may interesting na mangyari while I'm here.

Imbis na maglakad papunta sa classroom, I decided to sit on the bench few inches away sa clinic. I don't care if someone sees me here, I've got a lot of good alibis to say.

Ang tahimik. The place is in complete silence. I looked straight on the white wall across me. Pinakiramdaman ko ang paligid. Magandang tahimik at mas makakapagfocus ako.

I can still hear Inigo's small moves from behind the trash can.

Mabuti hindi siya nababahuan dun. That trash can is one of the most used in the school dahil nasa last floor kaya medyo namangha ako sa-

"Yuck. Eww, what is this? Ugh."

Just kidding. Pakibawi nalang nun.

Gusto ko matawa pero ayoko marinig niya ako kaya pinanatili ko ang blankong ekspresyon ko.

"Chewing gum ba 'to? Yuck. Ewww, it is on my shoes! Eww."

At last, tumayo siya mula sa pagkakatago sa basurahan at tiningnan ang ilalim ng sapatos niya pero kasabay nun ang pagbukas ng pinto ng clinic.

Not-so-Ordinary OrdinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon