/5/

14 1 0
                                    

/5/



        Unti-unting dumadami ang mga tao na nakikiusyoso. Pasikip na rin ng pasikip dito sa kinatatayuan ko. Hindi ko mahanap ang lakas para mag-lakad at dumiretso sa classroom ko. Andito lang naman sa harapan ko ang isa sa 'impossible-possible' couple ko.

"Hoy ikaw! 'Wag mo 'kong masisi-sisi diyan sa nangyari sa 'baby boy' mo! Kasalanan ko ba na payatot 'yong gunggong na yun at ang dali-daling pitikin pagdating sa suntukan?!"

"Gaga! Ikaw naman talaga ang may kasalanan! Simula nung araw na binugbog mo siya, bigla siyang nag-bago! Kasalanan mo 'to!" 

"Aba! Anong pakialam ko sa gagong yun?! Wala akong pake kahit na magkanda-balubaluktot yung buto nun!" akmang aalis na si Lisa pero hinawakan siya sa braso ni Inigo.

"Impaktita ka! Akala mo naman ikinaganda mo yang pag-aangas-angasan mo!" 

"Bakit ikinaganda mo ba 'yang pagiging bakla mo?!" 

Bigla akong napangiwi at napatakip sa tainga ko nung biglang may nagsigawan sa likod ko ng 'ohhh'. What is their problem? Goodness.

Nakita kong napatigil si Inigo, he seems so bothered about what Lisa told him. Tinaasan lang ni Lisa ng kilay si Inigo at tumalikod na pero sa pag-talikod niya ay sinalubong siya ni Dice na kararating lang at mukhang tumakbo pa papunta rito dahil hinihingal pa siya.

Sandali silang nagkatinginan bago linagpasan ni Lisa si Dice at binunggo pa ang balikat nito. Agad na nagsidatingan ang mga guards at pinaalis kami kaya hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari.


. . . . .


"Ms. Salazar, can you please bring these books at the faculty room?"

I was about to leave the room for my next class when Ms. Lin, our adviser, called me. Ako ang pinakahuling lumabas kaya ako yung nautusan.

"Sure, ma'am." nginitian ko siya at kinuha yung limang makakapal na libro.

Lumabas na ako ng classroom at tinahak ang hallway. Nasa pinakadulong kwarto ang faculty room kaya medyo nahirapan ako. This books are really heavy.

Habang naglalakad, I took a glance at the book that is on the top. Agad na kumunot ang noo ko nung makita ko ang title nito.

"High Intelligence Quotient and Advance Intelligence?" 

Bakit may ganitong libro si Ma'am?

"Stupid. Of course, she's a teacher." napailing ako at ipinagpatuloy ang paglalakad.

. . . . .


After a long walk, nakarating din ako sa faculty room. Ang layo naman kasi. Hinawakan ko na yung door knob at pipihitin ito nung may narinig ako na kalabog sa sumunod na pinto ng faculty room which is the storage room. 

Ano 'yun?

I took a glance at the door. Pinakiramdaman ko ito at nung wala na akong narinig binuksan ko yung pinto ng faculty room.

Walang tao doon at tahimik. Maingat akong naglakad papunta sa lamesa ni Ma'am Lin at maayos na inilapag ang mga libro doon. 

Bubuksan ko na sana yung pinto pero napatigil ako nung may narinig ako na nag-uusap sa labas. 

Being a curious person, linapit ko yung tainga ko sa pinto at sinikap na marinig yung pinaguusapan ng tao sa labas.

Call it eavesdropping but my instinct calls it.

Not-so-Ordinary OrdinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon