/14/
Ganoon na lang ba talaga sila kadesperado na masama sa proyektong iyon at talagang kinailangan nilang sundan ako sa lahat ng ginagawa ko?
Kaya ba palaging pakiramdam ko ay may nagmamasid saakin? O sadyang magaling silang magtago at naisahan ako? I thought it is pretty normal na may magmamasid saakin dahil normal na estudyante lamang ako at malamang ay mayroong mga nakakapansin saakin. I never knew sila na pala ang nagmamasid saakin.
Pinanliitan ko ng mata ang dalawang lalaki na nasa harapan ko.
"Answer me." ulit ko.
"You were watching over me all this time?" kalmadong saad ko.
Napakunot ang noo ko nung biglang binatukan ni Vaughn si Gavin.
"I told you not to eat apple! You know you're out of control when you eat that!" sermon ni Vaughn kay Gavin na napapakamot sa batok niya.
"Akala ko kasi pear." kinamot ulit niya ang batok niya at tinitigan ang hawak niyang green apple.
Hindi makapaniwala ko silang tiningnan. Ano ako dito? Hangin?
Hindi ako nagsalita at tinitigan silang dalawa upang iparamdam na nandito pa ako.
Napatigil sila at napatingin saakin at nagtinginan sa isa't isa. Bumuntong hininga si Vaughn at tumingin saakin. His black orbs is looking straight at me.
"We're desperate." sabi niya. "Everybody is anticipating you there." dagdag niya.
"Then why do you have to look over me when you could simply ask me?" mapanlisik kong tanong.
"Eh si Vaughn lang naman talaga ang may gusto na bantayan ka! Hahaha!" tiningnan ko si Gavin at napakunot ang noo. Agad akong napa-iling noong makita ang green apple na papaubos na.
"Damn you, Gavin Bautista." mahinang mura ni Vaughn at inakay si Gavin na dinaig pa ang lasing kung umasta. Tawa siya ng tawa at hinahaplos pa ang mukha ni Vaughn.
"Ang pogi mo pala, brad! Hahaha!" banat ulit ni Gavin at sinampal si Vaughn sa pisngi.
Tumayo ako at tinulungan si Vaughn na akayin si Gavin. Mabuti nalang at oonti nalang ang mga tao dito at madali naming nailabas si Gavin sa gate ng school.
Pumunta kami sa parking lot at nagtungo sa isang black mustang. Sandali akong napahanga noong makita ang magandang sasakyan ni Vaughn. Rich kid, amp.
Agad na nawala ang atensyon ko sa sasakyan ni Vaughn noong biglang humagikgik si Gavin ng pagkalakas-lakas.
"Vaughn and Samara *hik* sitting in the *hik* tree! K-I-S*hik*-S-I-N-G! Hehehe. First comes *hik* love. Then *hik* comes marriage—ZzzZz."
What the hell, Gavin?
Binalibag namin ni Vaughn ang tulog na si Gavin sa back seat. Yes, binalibag. Not with tender care and loving.
Nag-exhale at inhale ako ng sandali. This guy is really heavy, ugh.
"Samabay ka na." napatingin ako kay Vaughn na nakatitig saakin.
"H-hindi na." I suddenly felt awkward sa paraan ng pagtingin niya saakin.
"Ihahatid na kita sa apartment mo." sabi niya ulit kaya napatingin na ako sakanya ng masama.
"Talagang certified stalker ko kayong dalawa, ano?" medyo natatawa kong sambit. Ewan ko ba, natatawa nalang ako sa kalokohan nilang dalawa.
He chuckled, "huwag mo ng isipin yung pinagsasabi ni Gavin. Lasing lang 'yan."
BINABASA MO ANG
Not-so-Ordinary Ordinary
Teen Fiction"Yup. I'm plain ordinary." Have you ever wondered on how an 'others' point on view is on those 'lovey-dovey' stories? Like when you already knew the whole story and stuff but you yourself still look forward on what will happen? The feeling when you...