Dedicated to you kasi natuwa ako sa comment mo <3
=========
Avie's POV
"Mom, ano po ba yung urgent na pag-uusapan natin?" Dylan
"Dylan, why in a hurry? Kakarating mo lang and don't be rude."
"I am sorry mom."
"Since everybody's here, I am so glad to announce na tuloy na tuloy na ang merger ng Fontejo and Villegas. And you Dylan, she's your fiancée. Your engagement will be held this weekend" Daddy Enrico
"What?! That's insane. You all know that I already have a girlfriend." Napatingin si Dylan sa akin. Hindi ko alam ang tumatakbo sa utak nya nung mga panahong iyon.
"I know my son. Pero I don't like your social climber girlfriend. Hindi sya nababagay sa iyo at mas lalong hindi sya bagay na mapabilang sa pamilya natin."
"ehem" daddy
"Kumpadre, I am so sorry. Hindi naming nasabihan ang anak namin about this matter."
"Mukhang kailangan nyo munang mag-usap ng anak nyo. We will be going then. I hope you can settle this immediately. Let's go." Umalis na kami nila daddy sa restaurant at umuwi na. napakabilis ng mga pangyayari. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman na uuwi lang ang parents ko dito para sabihing may fiancé na ako and in a matter of days ay ikakasal na ako. Parang isa lang ako sa mga business deals nila. Wala ng ibang mahalaga sa kanila kundi ang negosyo at pera. Sa totoo lang, kung gusto nila ibibigay ko sa kanila yung negosyo na naipundar ko eh. Oo, may sarili akong negosyo pero hindi ako humingi sa kanila ng puhunan para dun.
Noong nag-aaral pa ako, I had my part-time jobs. Naging tutor ako ng ilang mga students at nagtitinda ako online. Medyo malaki rin yung kinita ko sa part-time jobs ko na iyon. Idagdag mo pa na sa isang State University ako nag-aral. Hindi ko kailangang gumastos ng napaka laki para lang sa tuition ko. Actually, low profile ako sa school. Isang ordinaryong estudyante lang ako doon. Hindi ako nagmamalaki na mayaman ako kasi hindi naman talaga totoo yun. Ang parents ko ang mayaman at hindi ako. Nag- cocommute lang ako tuwing papasok, simpleng T-shirt at jeans lang ang suot ko. Hindi ako kikay katulad ng ibang mga babae. Naka ponytail lang lagi ang aking black long hair at hindi ako nag me-make up. Madalas ay nakasalamin pa ako kasi medyo lumalabo na ang mata ko dahil sa kaka-basa. Never din akong nagkaroon ng boyfriend in my 22 years of existence.
Natapos ang pagmumuni-muni ko ng huminto na ang sasakyan. Nasa bahay na pala kami. Paakyat n asana sa kwarto si mommy ng tawagin ko sya.
"mom"
"yes? Anong kailangan mo?"
"umm, mom ipapakasal nyo po ba talaga ako kay Dylan?"
"Oo. And that is final. Sa ayaw at sa gusto mo magpapakasal ka sa kanya. Are we clear?" Mataray na sabi ni mommy
BINABASA MO ANG
A Wife's Tale (slow update)
Любовные романы"Maybe one day, I'll be what you need. But don't wait too long... Because the day you want me, maybe the day... I'VE FINALLY GIVEN UP" I am Avie, and this is my story.