Hindi lahat ng marriage ay masasabi nating masaya.
Yung tipong lalagay ka na sa tahimik,
yung sinasabi nilang pag-ssettle down.
Naging mag-asawa kami ng dahil sa isang kasunduan.
Nung una, wala akong nararamdaman para sa kanya kasi nga, total stranger sya sa buhay ko.
kaya nga lang, naging mahina ang puso ko at na-inlove ako sa kanya ng hindi sinasadya.
Sa pagsasama naming ito, ako ang talo. May mahal na kasi syang iba at ako, hindi naman nya ako tinantratong bilang asawa.
Oo. kasal kami, mag asawa, pero hanggang sa papel na lang iyon.
Wala naman akong ibang hinangad kundi ang maramdamang importante rin ako at may nagmamahal sa akin.
Sarili kong mga magulang ay hindi ko maramdaman ang pagmamahal nila at dahil na rin sa isang pangyayaring hindi ko naman ginusto.
Maraming mga pangyayari at mga problema ang nagaganap sa buhay ko, at minsan hindi ko na alam kung paano ko pa ito haharapin.
Pinipilit kong maging isang mabuting anak para sa mga magulang ko.
Ngayon naman, ang maging isang mabuting may-bahay. Isang mapagmahal at butihing asawa.
Ngunit simula palang ng pagsasama namin ay hindi na naging maganda.
As if parang hindi ako nag-eexist sa buhay nya.
"It's hard to wait around for something you know may never happen. But it's even harder when you know it's everything you want." --
Hanggang kailan ako maghihintay para sa pagmamahal ng mga taong mahalaga sa akin?
Lagi nalang ba akong magiging second option?
======
AN:
Woooh!! party time readers.. kung meron man.. hahaha.. Sana magustuhan nyo po yung 1st story ko.. sana lang matapos ko ito.. hayyy.. thankies :*
BINABASA MO ANG
A Wife's Tale (slow update)
Любовные романы"Maybe one day, I'll be what you need. But don't wait too long... Because the day you want me, maybe the day... I'VE FINALLY GIVEN UP" I am Avie, and this is my story.