chapter 8

870 25 7
                                    

Avie's POV

Past 5 na ng makarating ako sa bahay. Agad akong nagbihis at naghanda ng dinner namin. I cooked his favorite beef with broccoli and chopsuey. Naglinis na rin ako ng bahay.Ayoko kasi ng madumi at disarranged ang mga gamit. Medyo mahirap lang kinisin itong bahay kasi masyadong malaki eh dalawa lang naman kaming nakatira dito. Kapag nasa nandito lang ako sa bahay ay naiinip ako. Wala naman kasi akong makausap. 

Mga bandang 7:15PM ng dumating si Dylan. Sinalubong ko sya sa may pintuan at kinuha ang mga dala nya gaya ng lagi kong ginagawa. Dumiretcho sya sa sofa at umupo. Ikinuha ko sya ng tsinelas at ako na rin ang nagtanggal ng sapatos nya. He looks so exhausted. Siguro ay marami syang ginawa sa office. 

"Dylan, umakyat ka na muna at magbihis. Nakahanda na rin yung pampaligo mo." Hindi parin sya umiimik at ngayon ay nakasandal na sya sa sofa at medyo nakatingala at nakapikit. 

"Ok ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?" hinawakan ko sya sa noo at medyo mainit sya. "umakyat ka muna sa room at magpahinga" tumayo na sya at sinamahan ko syang pumunta sa kwarto. Ako na lang ang kunuha ng pamalit nyang damit sa walk-in closet at agad naman syang nagbihis. Syempre tumalikod ako no. biglang nag-init ang pisngi ko. nakakahiya kaya. 

"magpahinga ka muna. Dadalhan na lang kita ng pagkain at gamot." Ngayon ay nasa kama na sya. Nakaupo at nakasandal sa headboard ng kama. Tumango naman sya as an answer sa sinabi ko. 

Kumain na lang muna ako at pagkatapos ay dinalhan ko na ng makakain si Dylan. Kinuha ko na rin yung medicine kit namin. 

Nang makapasok ako sa room ay nakita ko syang natutulog. He must be really tired. Inilapag ko muna sa may bedside table yung tray at pumunta muna ako sa room ko. Oo room ko. hindi kami magkasama sa isang kwarto. Yun kasi yung arrangement na gusto nya. Binuksan ko yung drawer ko at kinuha yung bote ng vitamins. Pagkakuha ko ay agad naman akong bumalik sa kwarto nya. I let him take a nap. I sat beside him at hinawakan ko ulit yung noo nya. Kinuha ko yung scanner thermometer na nasa tabi ko at itinapat yun sa noo nya. Agad naman itong nag-beep at nagflash sa maliit na screen ang body temperature nya.  

"Dylan, kumain ka na muna oh para makainom ka na ng gamot." Sabi ko sa kanya ng magising sya from his nap. Dahan-dahan syang umupo at napahawak sa ulo nya. Kinuha ko naman yung patungan ng tray para makakain sya kahit nasa bed sya. Inilapag ko na rin doon yung tray na may lamang mga pagkain. Yung tubig naman ay hinayaan ko lang sa may bedside table baka kasi makabig at matapon sa kama. 

Hinawakan na nya yung spoon anf fork kaso binaba nya rin yon. "wala akong ganang kumain." Walang buhay nyang sabi 

"hindi pwede. You need to eat. Hindi ka pwedeng uminom ng gamot with an empty stomach. Kahit konti lang kumain ka" I said in a very concerned voice. 

Sumunod na rin naman sya sa sinabi ko. ngayon ko lang syang nakitang ganito. Yung hindi suplado. Mabait kasi sya ngayon at masunurin. Habang kumakain sya ay nakatingin lang ako sa kanya. 

"Stop staring at me. I'm eating" sabi naman nya kaya naman nahinto ako sa pagtitig ko sa kanya. lumingon na lang ako sa may bintana. 

"I-I'm not staring at you." Nauutal kong sabi sa kanya. Grabe naman kasi. Nahuli nya akong tumititig sa kanya. Siguro ang pula-pula na mukha ko ngayon. 

A Wife's Tale (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon