chapter 5

1.2K 18 5
                                    

Avie's POV

Maaga akong nagising kasi ipaghahanda ko ng breakfast si Dylan. Nagluto ako ng sopas para naman mainitan yung sikmura nya. Habang nakasalang yung niluluto ko ay hinanda ko na yung pampaligo nya. Nag research kasi ako kung ano ba ang ginagawa ng isang babae sa kanyang asawa. Naglinis na din ako ng bahay habang hindi pa sya nagigising. Kasalukuyang hinahanda ko ang mesa at naglalagay ng kubyertos ng narinig kong may bumababa ng hagdan. 

"good morning" nakangiti kong bati sa kanya 

"good morning din" walng kabuhay-buhay nyang sagot 

"kumain na tayo ng breakfast. Maghahain lang ako" 

Umupo na sya at nilagyan ko na ng sopas yung bowl nya. 

"What is this?" tanong nya. Hala, hindi ba nya alam ang sopas? 

"Macaroni soup" sagot ko naman 

"I know that this is a macaroni soup. Anong klaseng breakfast 'to?! I want to eat rice, bacon and omelet." Medyo irritable nyang sagot 

"ah.. ganun ba? Sige magluluto na lang ulit ako." 

"no need, I'll just grab some food before I go to the office. Baka ma-late pa ako"  

"Gusto mo ba ng coffee? Ipagtitimpla kita. Wait lang" agad agad akong pumunta sa kusina at pinagtimpla sya ng kape. Black coffee yung ginawa ko para sa kanya 

"Here's your coffee." 

Tiningnan nya muna yung coffee then he took a sip. Mukha namang nagustuhan nya yung timpla ko. Ok na para sa akin yun. Alam ko naman talaga na black coffee yung gusto nya eh. Maybe it's my instinct at isa pa, may coffee shop ako kaya medyo alam ko na ang mga taste ng iba't ibang klase ng tao. 

Kumain na lang ako ng niluto ko ng mag-isa. Ayaw kasi nya yung niluto ko. Pagkatapos nyang mag coffee umakyat na sya at naghanda sa pagpasok. 

Siguro hindi ko pa nga talaga sya kilala. Di bale, mahaba pa naman ang panahon para kilalanin sya. 

Naghuhugas na ako ng mga pinagkainan at ginamit sa pagluluto ng bumaba sya. Nakapang opisina na sya kaso medyo magulo yung necktie nya. Hindi ko napigilan ng sarili ko. Tinanggal ko ang gloves ko at lumapit ako sa kanya para ayusin ito. Medyo nagulat sya sa ginawa ko. Inayos ko na rin yung kwelyo nya. Hinayaan lang nya ako sa ginagawa ko. Pagkatapos noon ay nagpaalam na sya at umalis. 

Natuwa ako kahit papaano kasi hindi sya kumontra sa ginawa ko o kaya nagreklamo. Ganito pala ang feeling ng pinagsisilbihan ang asawa. Medyo badshot lang talaga kanina sa breakfast. Pero at least alam ko na ngayon na rice pala ang gusto nya sa umaga at naustuhan nya yung coffee na ginawa ko. 

Mga bandang 11 ng tumawag sya sa akin. Bakit kaya? Agad ko namang sinagot yung tawag baka kasi importante. 

"hello" 

"I need you to bring my flash drive and yung hardcopy ng proposal ko. Nasa study table lang yun nakalagay. I badly need it. Ilang minutes nalang at magsisismula na yung meeting. Make it fast." 

A Wife's Tale (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon