Dedicated to you kasi na inspire ako sa comment mo. Thanks sa pag-support.
===================
Avie's POV
I am now wearing a white medieval style balloon wedding gown made by one of the best designer in abroad. A 4 inches silver stiletto with diamond accessories, wedding veil na sobrang haba at may hawak na isang boquet ng white tulips. Nakataas ang buhok ko at nilagyan ng iba't-ibang accents. Makikita ang aking leeg at balikat. Kung iisipin mo nga naman, ganito talaga ang setting nag gusto ko for my dream wedding.
Nandito ako ngayon sa limousine na nasa tapat ng simbahan. Nakasara pa ang malaking pinto at bubuksan lang iyon kapag magsisimula na ang seremonya. Medyo nagkakagulo na ang lahat dahil wala pa ang groom. Ang sakit isipin na ganoon ako kawalang halaga sa kanya. Oo kung tutuuusin wala naman talaga akong karapatan sa kanya. Pero ayoko naman yung magiging biktima ako ng runaway groom.
I saw Dylan's mom making a series of phone calls. I'm sure tinatawagan nya si Dylan. Pati narin yung wedding coordinator medyo nagpapanic na rin. 40 minutes late na kasi ang groom ko.
"Ma'am Avie, ok lang po ba kayo?" tanong sa akin ng driver ng limo
"o-ok lang po ako mang Berto. Salamat po sa concern" sabi ko sa kanya at ngumiti ng bahagya
Lumipas pa ang 5 minuto at dumating na rin saw akas si Dylan. Bumaba sya sa kanyang itim na BMW at parang nakainom pa ata ito. Buti nakarating sya ditto ng maayos kasi sya ang nagmaneho ng kanyang sasakyan. Sinalubong naman sya ng parents nya at may sinabi pero hindi ko rin naman yun narinig kasi nakasara ang bintana ng sinasakyan ko.
Pumasok na sa loob ng simbahan si Dylan at ilang saglit lang ay kinatok na ako ng wedding coordinator namin.
"Ma'am Avie, kayo na po ang susunod" at inalalayan na nya ako palabas ng limo
Na sa may malaking pintuan si daddy at naghihintay sa akin. Sya ang maghahatid sa akin sa altar.
"Avie anak, sana maging masaya ka sa piling ng mapapangasawa mo. Susundin mo lahat ang gusto nya. Be a good listener at unawain mo sya." Sabi sa akin ni daddy habang naglalakad kami patungo sa altar.
"opo daddy. 'wag po kayong mag-alala. Susundin ko po ang mga bilin nyo."
Nakarating na kami sa kinatatayuan ni Dylan at inihabilin na ako ni dad sa kanya. Amoy alak nga talaga sya dahil magkalapit kami. Magkasabay na kami ni Dylan na nagpatuloy papunta sa altar. Sinimulan na ni father ang seremonya at dumating na nga sa point na magpapalitan na kami ng I DO'S.
"Do you, Avielle Fontejo take this man Dylan Villegas to be your lawfully wedded husband....." marami pang sinabi si father pero iisa lang naman ang dapat isagot.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at sinabi ang pinakahihintay nila na "I do".
"Do you, Dylan Villegas take this woman Avielle Fontejo to be your lawfully wedded wife....." tanong naman ni father kay Dylan. Hindi pa rin sumasagot si Dylan sa tanong ni father at tiningnan ko sya sa mata. Nangungusap ako gamit ang mata at sinasabi na "sumagot ka na please". Muling inulit ni father ang tanong nya at tulad ko, isang buntong hininga rin ang pinakawalan nya bago mag sabi ng "I do".
BINABASA MO ANG
A Wife's Tale (slow update)
Romantik"Maybe one day, I'll be what you need. But don't wait too long... Because the day you want me, maybe the day... I'VE FINALLY GIVEN UP" I am Avie, and this is my story.