chapter 4

1.2K 19 4
                                    

Avie's POV

It's been a week simula ng lumipat ako dito sa bagong bahay naming ni Dylan. Well, medyo mahirap at malungkot kasi ako lang naman dito sa bahay. Hindi na kasi kami kumuha ng kasambahay sasi ayaw ni Dylan na may iba pang tao dito. Hindi naman naging mahirap sa akin ang gawaing bahay kasi nung nandun pa lang ako sa dati kong tinitirahan, tumutulong ako kina nana Tesie sa mga gawaing bahay. Hindi ako gaya ng ibang mga anak mayaman na ni hindi man lang marunong magsaing o mag walis. Hindi kasi maganda tingnan sa babae ang walang alam sa bahay.

Isang lingo na ring nasa USA si Dylan para sa business trip nya. Hindi man lang nya nagawang tumawag o kumustahin man lang ako. I tried to call him several times pero laging out of coverage lagi yung linya.

To keep myself busy, inasikaso ko na lang yung business ko. I called my closest friends who happened to be my business partners. Classmates kami sa college and we decided to establish a coffee and sweets bar. It is actually a coffee shop and we also offer sweets, desserts, etc. Actually, meron na kaming 8 branches dito sa metro manila at nagsimula lang kami 2 years ago. Hindi gaanong malaki ang naging puhunan naming para sa negosyo namin na ito. We just have to conceptualize a great marketing strategy and look for a supplier na hindi malaki ang singil sa mga raw materials pero may kalidad at magandang klase. With all of our hardworks, eto na nga, we are now harvesting the fruits of our labor.

" Hey Avie, anong ginagawa mo dito? You should be with your husband and enjoying. You know what I mean." Bungad sa akin ni Mhau.

"You know our real score naman diba? And besides, nasa business trip si Dylan. Next week pa ang balik nya from US."

"Avs, tingnan mo 'to" si Ayel sabay turo sa ipad nya

Tiningnan ko naman yung picture na tinuturo nya. And to my surprise, it was my husband with another girl. His ex-girlfriend to be exact. Well, hindi rin ako sure kung ex na ba talaga. Yung mga picture ay mga kuha sa US at sobrang sweet nila sa isat-isa.

"OH EM GEE... hala ano yan Avie? Nambababae na yang asawa mo wala pa ngang 1 month since ikasal kayo." Sabi ni Mhau

Napatungo na lang ako. Kahit naman walang love na involve between the two of us, mahalaga na rin sya sa akin at may lugar na sya dito sa puso ko. Nakaramdam ako ng kirot sa puso nung nakita ko ang huling picture. They were kissing like there's no tomorrow. Sana man lang nirespeto nya ako bilang babae. Naiiyak ako pero pinipigilan ko ang sarili ko.

"Sino yung girl na kasama nya? Do you know her?" tanong ni Ayel

" uh.. ah eh.. hindi eh.." pagsisinungaling ko

"ang kapal ng face nyang asawa mo ah. Hindi porque fixed marriage ang nangyari sa inyo eh babalewalain ka na lang nya. At ano? Maghahanap sya ng mistress nya? Nakooo talaga!" Mhau

"hayaan na lang natin. Malay mo naman kaibigan lang nya yan. Hindi natin dapat husgahan ang isang tao at hindi naman natin alam yung tunay na kwento diba?" pagtatanggol ko sa asawa ko.

"ah basta. Ako malakas ang hinala ko na kabit nya yang girl nay an. At ikaw naman Avie, 'wag ka ngang tanga-tangahan. Naturingan kang suma-cum laude pero ang hina mo sa ganitong mga bagay. 'wag pamartir teh ah." Sabi naman sa akin ni Mhau

A Wife's Tale (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon