Avie's POV
Nang makarating ako sa bahay ay pinag-isipan ko ng mabuti yung alok sa akin. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o hindi. Naisipan kong tawagan sina Mhau at Ayel. Kinuha ko yung phone ko sa bag at nag dial. Naka tatlong ring muna ito bago sinagot ni Mhau.
"Hello"
"nasa shop ka ba ngayon?"
"oo.kakarating lang namin dito ni Ayel. Dumating kasi yung mga supplies na inorder natin for our new product."
"Good. Pupunta ako dyan. I need someone to talk to regarding a very important matter"
"at anong important matter naman yon aber?"
"mamaya ko na sasabihin.sige, I'll hang up na"
Matapos ang pag-uusap namin sa phone ay umalis na ako. Mga 15 minutes lang ay nakarating na ako sa shop kasi walang traffic. Pumasok agad ako sa loob at nilapitan ang dalawa.
"Avie, what brought you here?" sabi ni Ayel tapos umupo na kami
"I need a companion and your opinion about my father-in-law's offer to me"
"What kind of offer?" tanong naman ni Mhau
"He asked me if I can work in our company as the new VP for finance."
"oh, ano naman ang problema dun? Wala namang masama kung magtatrabaho ka doon eh. Besides, you're a genius Avie. Baka nga kapag nagtrabaho ka sa kumpanya nyo eh mas lalo kayong yumaman nyan." Sagot naman ni Ayel
"The problem is, paano na 'tong shop natin? Hindi ko na masyadong maaasikaso. At isa pa, this will be my first time to work in a company. What if I fail? Ayokong ma-disappoint sila sa akin."
"About the shop, don't worry, kami na ni Ayel ang bahala. Kapag may spare time ka, edi pumunta ka dito at tulungan mo kami. At yung sa kung madi-disappoint sila sa iyo, I am 100% sure na kaya mo yan ikaw pa." sabi ni Mhau na pilit pinapalakas ang loob ko
"ayun na nga eh. Ang taas ng expectation nila sa akin. Tingnan mo pati ikaw Mhau."
"ayaw mo pa rin bang maniwala sa mga sinasabi ko? O sige ganito na lang... sa tingin mo, paano naging ganito ka successful itong business natin kung hindi ka magaling? Nung itinayo natin itong negosyo natin, ang kinontribute mo sa partnership natin ay ang galing mo sa pagmamanage ng business at ipon mo sa mga naging part-time jobs mo. We know na hindi ka humingi ng pera sa parents mo para doon. Ang maliit nating negosyo ay naging ganito ka-successful dahil sa iyo. Kung tutuusin, napaka-common ng business natin at napakarami nating kakumpetensya at marami na rin ang mga foreign coffee shops na nagsulputan. You know what, kung hindi dahil sa marketing at financial strategies mo ay wala siguro tayo ngayon dito. You see, that's how good you are. Ewan ko ba sa iyo at hindi mo nakikita yung mga bagay na yan" mahabang explanation ni Mhau
"hindi lang naman dahil sa akin ang naging success ng shop ah. Both of you helped me a lot. Pero thanks sa inyong dalawa at kahot papaano ay lumakas ang loob ko. You two are really God's precious gift to me." Sabi ko sa kanila and I really feel blessed to have them as my friend
BINABASA MO ANG
A Wife's Tale (slow update)
Romance"Maybe one day, I'll be what you need. But don't wait too long... Because the day you want me, maybe the day... I'VE FINALLY GIVEN UP" I am Avie, and this is my story.