Heartless #1

4.4K 77 15
                                    

Heartless

-ImJasmineAnne

Chapter  1

Madeline's POV

"Gyldel... Kamusta ka na? Siguro masaya ka na. Sana kasi ako na lang eh. Ako na lang sana yung nasagasaan. Alam mo namang ikaw lang yung kakampi ko dito diba? Pero bakit ganun? Iniwan mo pa din ako."

Muling bumalik sa aking isipan ang mga pangyayaring matagal ko na dapat na kinalimutan.

3 years ago (flashback)

"Ate, samahan mo na ko. Punta na tayong park. Ate... sige na please." Hindi ko alam kung ilang beses na ito sinabi ng kapatid ko. Patuloy niya akong kinukulit na pumunta kami sa park.

"Glydel, alam mo namang mainit yung ulo sakin nila mom and dad. Wag na lang kasi" Patuloy na pagtanggi ko.

"No Ate, I want to play." Pagpupumilit nya, at ngumuso pa sa akin.

"Wag mo nga akong ngusuan. Hahaba yan, sige ka." Pabibiro ko.

"Ate naman eh! Sige na kasi..."

"Glydel naman, birthday na birthday ko kinukunsumi mo ako" Pag-dadabog ko rin, pero ngumisi lang siya at nag pakahyper nanaman.

"Ate! Happy, happy birthday! I love you ate. Your the best ate ever. Ate smile!" pag-checheer up niya.

Kahit kailan talaga ang hyper nitong kausap. Dahil sa pangungulit niya napapayag niya na ako. Hindi naman siguro masamang lumabas kami ng bahay diba?

"Ikaw talaga. Saglit lang tayo ah."

"Eye, eye captian!" Hyper na sigaw niya. At sumaludo pa sa akin habang tuma-talon. Napangiti na lang ako, ang saya niyang tignan.

"Ate, let's go! Saglit lang talaga." At hinila na niya ako palabas nang bahay. Pero bakit parang ayokong umalis dito sa kinatatayuan ko? Parang may iba akong pakiramdam.

 

"Hey, ate! Let's go."

"Ah, sige."

 

***

"Yehey! Ate tulak mo pa gusto ko yung sobraaang lakas ^__^" Sigaw ni Glydel.

Nawawala na yung nararamdaman kong kaba simula kanina. Ang saya kasing tignan ni Glydel na tawa lang ng tawa.

"Aniyo! Ayaw ko. Mamaya niyan malaglag ka pa. Pagagalitan nanaman ako ni mom, gusto mo ba yun?"

"Ay, sige wag na lang." Pinagpatuloy na niya ang paglalaro at tuwang tuwa pa rin dahil napagbigyan ko siya.

"wow! Aso ang cute!" nagulat ako sa sigaw ni Glydel at hindi ko namalayan na bigla siyang tumakbo papuntang kalsada.

"GLYDEL!!!!!!!!!!"

*PEEEEEEEEEP PEEEEEEEEEP* *BOOOOOOGSH*

HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon