Heartless #24

741 20 1
                                    

Heartless

-imjasmineanne

Heartless 24

Vince's POV

Nakaratinf agad ako sa ********* cemetery.

Pumunta rin agad ako sa lugar kung saan nakalibing ang kapatid ni Madeline. 

At tama nga ang lugar na pinuntahan ko, nandito si Madeline, nandito siya. Naka-upo at nag-kwekwento nanaman sa kapatid niya.

Buti naman at kotse ang gamit niya ngayon, at hindi yung motor niya. Mas delikado kasi 'yon. Pwumesto ako sa likod niya, hindi niya rin napansing may tao kaya hindi niya ko nakikita.

Naririnig ko yung mga kwento niya sa kapatid niya.

"... alam mo ba? Okay na kami nila mom. Nag-sorry na sila sakin, marami pala akong hindi alam. Marami nga talagang kwento sa likod nang mga pang-yayaring inakala ko. Malaki din naman pala yung problema nila mom and dad dati, ngayon alam ko na kung bakit ganun sila sakin, kung bakit nila ako trinato nang ganun. Natikman ko na din 'yong luto niya, ang sarap pala gaya nang sinabi mo sa akin dati. Ang saya-saya ko din ngayon, nakabonding ko na sila. At higit sa lahat, alam ko na, na mahal nila ako, tayo, mahal nila tayo Glydel... *sigh* kaso... may kulang talaga eh. May isa pa akong hindi na-aayos. Kilala mo si Vince diba? Di pa rin kami nag-kakausap, di pa kasi siya umuuwi e-" pinutol ko yung sasabihin niya.

"Bumalik na ako... nandito na 'ko. Sorry kung wala nung bumalik sila, nung dumating yung parents mo. Sayang pala yung prinaktis nating line, nasabi mo ba lahat? Sorry ha? Kasi sabi mo sakin, ako yung iiyakan mo, sa akin mo ibubuhos yung sakit, pero wala ako. Makasarili na ba ko? Pinagtaguan kasi kita... sorry ha?" tumingin siya sakin, tapos unti-unting tumayo.

"V-vince... aka-kala ko...:

"Anong akala mo? Na iiwan talaga kita? Na pababayaan na kita? Na kakalimutan kita? Na wala na akong pakialam sayo? Na hindi na kita mahalin at mag-mahal na ako nang iba? No..." hinawakan ko yung dalawang kamay niya, tapos tumingin sa mata niya.

"Syempre hindi... sabi ko naman sayo diba? Hinding-hindi kiita iiwan, hinding-hindi kita pababayaan, hinding-hindi kita makakalimutan, hinding-hindi mang-yayari yung sinasabi mong mawawalan ako nang paki-alam sayo, kasi... ikaw yung buhay ko, and i care for you, a lot.  At hinding-hindi rin mang-yayari na hindi kita mahalin, dahil kahit mawala pa ako, kahit mamatay na ako, pangalan mo, ikaw at ikaw pa din ang mahal ko..." this time nakahawak na ako sa mukha niya.

Nginitian niya lang ako tapos nag-salita siya.

HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon