Heartless #26

655 17 1
                                    

Heartless

-imjasmineanne

Heartless #26

Elaine's POV

"Anak, gising na aalis tayo." arrrgh. Ang ingay nila mommy.

"Uhmm" sagot ko pero hindi pa din tumitigil sila mommy sa pag-gigising sakin.

"Huh? Gumising ka na kaya diyan. Ah... ayaw mo ha"

"waaaaaaaaaah~~ hihihihihi... m-mooooommmy. Ayaw n-naaaa" huminto na agad si mom at tinulungan ako sa pag-tayo.

Napangiti na lang ako, ang saya nila kasama. :))

Ineenjoy na din nila mom and dad na mag-kakasama kami sa iisang bahay. Buti habang maaga pa yung time para samin bumalik na sila.

Kasi baka kung mas natagalan sila ayun na yung time na sumuko na talaga ako, baka sa panahon na yun, pagod na pagod na ako.

Tsaka siguro sa panahon na yun mas mahihirapan silang humingi nang tawad sakin.

At sigurado din naman akong sa panahon na yun mas mahihirapan na din silang paniwalain ako sa mga sinasabi nila dahil baka sa panahon na yun, bato na talaga ako.

Masaya ako kasi nandiyan na sila, kung hindi... hindi ko rin matatanggap si Vince.

Di pa rin ako makaka-aming mahal ko siya.

"Pupunta tayo kay Glydel nak!" sigaw ni mom, kaya bumalik na ako sa realidad.

"Okay mom!" sigaw ko pabalik, tapos naligo na ako.

Nag-short at sando lang ako, duh! Mainit. Nag-suot din ako nang pearl earring at heart shape na kwintas tapos patong-patong na bracelet.

Light make-up, para fresh look. Ganda ko pa din. *Malakas na hangin* Tinangay ako nang hanging dala ko -____-

Pag-punta namin sa puntod ni Glydel, nagulat ako sa itsura, i mean iba ang ayos niya ngayon. Parang naka-garden style siya, nag-karoon nang iba't-ibang kulay nang bulaklak at iba't-ibang kulay.

HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon