Heartless #17

736 21 0
                                    

Heartless

-imjasmineanne

Heartless #17

Vince's POV

Naiintindihan naman siguro nila kuya Darren diba? Kung bakit ako umalis nang walang permiso nila.

Si Madeline? Galit kaya siya? Aist!

Ayoko na munang umuwi nang condo ko, magpapalamig na muna ko.

Marami na sigurong nag-tatanong sa inyo kung ano yung nagustuhan ko kay Madeline. Well simple lang ang sagot ko diyan, hindi ko din alam.

Minahal ko siya nang hindi ko namamalayan. Minahal ko siya sa hindi alam na dahilan, isa lang ang alam ko mamahalin ko siya hanggang tumitibok pa ang puso ko.

Hindi ako sa condo umuwi dahil alam kong doon pa rin tutuloy si Madeline. Ako na lang ang iiwas para hindi siya mahirapan. May spare key pa kami nang unit nang isa't-isa kaya hindi imposibleng magkita kami.

At ang mas masakit dun pag siya mismo ang umiwas sakin. Mas masakit kasing nakikita siyang lumalayo kaya mas mabuting hindi na muna kami mag-kasama. At least ako lang ang masasaktan.

Ako lang nakaka-miss.

Pero, natatakot ako. Natatakot ako sa maaaring gawin niya.

Paano kung kailangan  niya ko? Dun nanaman ako wala, dun nanaman siya walang karamay. Yung sa eroplano, pano kung totoong bumalik na sila. 

Paano kung nandito na talaga?

Shit. Sana wag muna. Wala siyang karamay, alam ko ang ugali niya. Ikikimkim lang niya yung sakit na nararamdaman niya. Wala siyang pag-sasabihan. Ako lang naman yung na-pagsabihan niya nung nakaraan niya eh ako ang may alam nang lahat nang paghihirap niya. Pano kung dumating yung araw na 'yon. Na dumating bigla yung kahinaan niya. Yung mga magulang niya, ayokong wala ako sa tabi niya pag nang-yari yun. 

At kung mang-yari man, sana kayanin niya. Pero... hindi naman diba? 1 week. Siguro 1 week lang ako dito. Hindi naman babalik agad yung magulang niya diba? Hindi.

HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon