Heartless #15

827 23 2
                                    

Heartless

-imjasmineanne

Chapter 15 Stop this... please?

Vince's POV

Ano ba kasing sinabi ko?

Bakit ako umamin? Bakit kailangan ko pang sabihin?

Bakit hinayaan kong mapunta sa ganito?

Nagpadala ako sa takot, nagpadala ako sa emosyon ko, nag=padala ako sa selos. Nag-patalo ako sa emotion ko.

Ayokong maagaw siya nang iba pero eto ako, nilayo ko siya sakin. Ako mismo.

Ako ang naglayo sa kanya. Kasalanan ko kung bakit di ko siya kasama. Ako lahat.

Dahil hinayaan ko siyang lumayo. Ako ang tumulak sa kanya palayo. Hindi ko inisip na dahil sa pagamin ko na yun masisira ang samahan namin. Ang tiwala niya sakin. Pano na lang pag may problema siya? Kanino na siya pupunta?

Kanino na siya lalapit? Pano kung kailangan niya nang karamay?

Wala. Wala nanaman ako. Hindi ko nanaman siya masasamahan.

Paano kung dumating yung kinakatakutan niya? Paano ko siya matutulungan kung ganito kami? Paano ko siya dadamayan kung pati ako dumagdag pa sa problema niya?

Pakiramdam ko wala akong ginagawang tama. Masama na nga ba talagang mag-mahal? Wala ba talaga kaming karapatang lumigaya?

"Pre ano ba talagang nang-yari?" Tanong nanaman ni Chris. Kanina pa siya panay tanong kung anong nangyari. Palibhasa mga wala silang alam. LAGI SILANG WALANG ALAM!!

Kanina niya pa din ako pininipit na sabihin sa kanya kung ano ang napagusapan o nagawayan namin ni Madeline.

Kanina pa daw kasi ako balisa. Hindi lang balisa. Tulala pa.

Sino ba naman kasing tanga yung magsasabi, na aamin nang feelings niya sa isang babaeng hindi tumatanggap nang pagmamahal.

Isang babaeng TAKOT mag-mahal. Babaeng nagpapanggap na malakas siya. Babaeng puro takot ang nararamdaman.

AKO YUNG NAGIISANG TANGA NA YUN. Ako yung tanga na yun.

Gabi na pero hindi pa rin kami nagkakausap ulit ni Madeline para ayusin yung nangyari. Kailangan ko siyang kausapin. Kailangan kong linawin ang lahat. Lahat nang mga pagkakamali. LAHAT nang kasinungalingan.

Sorry. Sorry kasi naging self centered akong tao. Feelings ko lang inisip ko.

Sorry kung hindi ko siya matawag na Elaine. Na, sa simpleng kahilingan niyang ELAINE ang itawag ko sa kanya di ko nagawa. SORRY. Dahil sa pagiging makasarili ko.

Dahil kapag tinatawag ko siyang Elaine, parang ibang tao ang hinahanap ko at hindi si Madeline.

Na parang pati sa sarili ko pinatay ko na ang Madeline, ang Madeline na nakilala ko. Na masaya na sa isang corny na joke. Na ngingiti kahit punong-puno nang problema.

Ngayon, tama bang pumayag akong Elaine ang itawag sa kanya? Kung ibang katauhan ang naiisip ko kapag ayun ang pangalan na gamit niya?

Hindi ko kayang tanggapin na naging bato na siya. Na naging iba siya. Kahit sinasabi niyang malakas siya kahit sinasabi niyang kaya niya hindi ako naniniwala sa kanya dahil ayun lang pinaniniwalaan niya pero hindi ayun ang napapakita niya.

Sinasabi niya lang yun para palakasin ang sarili niya. Dahil kahit ano pa ang gawin niya. Mahina pa rin siya.

Si Madeline pa rin ang pag-katao niya.

At si Elaine? Siguro nga ayun yung malakas, ayun yung walang puso. Pero hindi kailanman makakain ni Elaine ang nag-iisang Madeline ang nagiisang Madeline na minahal ko. And nag-iisang Madeline na nagpatibok nang puso ko. Siya lang.

Napatigil ako sa pag-iisip nang may mahagip akong babae.

Bumilis agad ang tibok nang puso ko. Hindi ako pwedeng magkamali.

Si Madeline yun. Agad naman akong tumakbo para maabutan ko pasiya.

Hinawakan ko agad siya sa braso at hinarap sakin.

"Madeline." tawag ko sa kanya pilit naman niyang inaalis ang pagkakahawak ko sa braso niya pero hindi ko siya binibitawan. Ayoko na siyang pakawalan.

"Let me go!" mahinang sambit niya pero madiin.

"Let's talk please, please?" mabilis naman siyang umiling at pilit pa ring tinatanggal yung pagkakahawak ko sa kanya.

Ayoko siyang umalis.

Ayoko siyang hayaang mag-isa.

Gusto ko siyang yakapin.

Gusto ko siyang tulungan.

"vince nasasaktan ako" pagkasabi niyang nasasaktan siya awtomatiko nmang lumuwag ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

Sorry, nasaktan nanaman kita.

Elaine's POV

"Vince nasasaktan ako" sabi ko. At biglang lumuwag ang pagkakahawak niya sakin.

'nasasaktan ako' saan? Saan nga ba? Ano nga ba ang masakit? Yung pagkakahawak niya sakin o yung mga nangyayari sakin?

How can I love him back when I'm afraid?

Kinuha ko na rin 'yong chance para maka-alis na. Tumakbo na ako. Pero,

Sadyang hindi marunong makisabay ang tadhana sa pangyayari sa buhay ko. Maling lugar kasi ang natakbuhan ko.

Na-corner na niya ko.

Napa-upo na lang ako. Napasabunot na lang ako dahil sa frustration.

AYOKO NA!

Naguguluhan na ko. GULONG-GULO AKO.

"iwan mo na ako Vince!" naiiyak na pakiusap ko sa kanya.

Hindi siya nagsalita tapos niyakap niya lang ako patalikod. At hindi ko na mapigilang hindi tumulo ang luha ko. Umiiyak na ako. Nilalabas ko lahat nang sakit. Pero hindi yun sapat para mawala.

"Vince, pabayaan mo na ko" pakiusap ko nanaman pero hindi niya pa din ako pinansin.

Pero maya-maya lang nagsalita na siya.

"Hinding hindi kita pababayaan, at mas lalong hindi kita iiwan. Tandaan mo yan. Mahal na mahal kita Madeline" halos bulong na lang niyang sagot pero sapat na para maintindihan at marinig ko.

"Stop this please? No, Stop this shit!" Iyak lang ako nang iyak. Stress na stress na ko. Hindi ko alam kung kelan matatapos to. Pero ang tanong matatapos pa nga ba to?

"I won't stop, sorry" sabi niya. Inalis ko yung pagkakayakap niya sakin tapos tumayo ako. Siya nman nakaupo pa din.

"Sorry Vince, sorry kung pati ikaw nadadamay. Sorry kung pati ikaw nasasaktan. Pasensiya na kasi nagiging miserable na din yang buhay mo nang dahil sakin. Pero eto tatandaan mo. Iwan mo lang ako at maghanap ng iba. Promise liligaya. Hindi sakit, Hindi puro pasakit, kasi... ayun naman yung dala ko sayo eh. Doon, hindi mo na mararanasan yung mga ganitong sakit. Hindi mo na din kailangan magsakripisyo.

Hindi ako ang babaeng para sayo, hindi ako deserving sa tulad mo. Lalo na sa pagmamahal na binibigay mo" sabi ko sa kanya. Hindi ko na siya hintay na sumagot

Ayoko na talagang may masaktan pang iba nang dahil sakin. Baka hindi ko na talaga kayanin.

XX

EYEBAG XD

HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon