Heartless #7

1K 35 0
                                    

Heartless

-imjasmineanne

Heartles #7 Madeline is not Elaine (part 1)

Elaine's POV

"let's go" yaya agad ni Vince pagpasok niya sa pad ko.

"di man lang tayo kakain?" tanong ko, gutom na kayo ko!

"magluto ka" utos niya. Ang kapal

"may taga luto ka?" tanong ko. Marunong ako magluto syempre wala naman kayong narinig na may katulong ako diba? Edi syempre ako nagluluto nang pagkain ko. Tsaka wala na akong balak kumuha nang katulong, IIWAN DIN AKO NUN.

"Edi maghanap ka na din nang driver mo" sabi niya, tss kung hindi lang libre ang gasolina dito eh.

"Restaurant na lang tayo, tinatamad akong magluto"

"libre mo?" nangunguripot nanaman.

"K" sagot ko tapos lumabas na nang pad, dumiretso na ko sa elevator syempre nakasunod siya. Pagpunta namin sa parking pumasok na agad ako nang kotse niya. Driver ko lang siya hindi utusan.

"bakit di mo na hinintay na ako yung magbukas nang pinto?" tanong niya nung umupo na siya sa driver seat.

"bakit hindi ko ba kaya?"

"baliw ka talaga. Saang restaurant?" tanong niya ulit, wala bang sariling desisyon to?

"bahala ka" sabi ko, hindi ko rin kasi alam eh. Pag kasabi ko sa kanya nun naglagay na ko nang headset sa tenga ko tapos pumikit. After 1 hour huminto na siya pagsilip ko naman sa bintana. PUTCHA! MALL. puro fans tao diyan!

"bakit dito?" iritadong tanong ko. I HATE PEOPLE'S

"sabi mo kasi kahit saan eh" tapos tumawa siya nang malakas, inirapan ko na lang siya. " alam mo na, ELAINE. kailangan mo maging MADELINE, ngayon" tapos ngumiti siya nang sobrang lapad.

Wala na rin akong nagawa kaya kinuha ko na yung inabot niya. Tapos sinuot na namin pareho, psh bakit may braces pa? Di na ko nagreklamo kay Vince sinuot ko na lang din kung makakatulong eh. Sinuot ko na din yung wig at big glasses. Sh*t mukha kaming tanga masyado. Bakit ba kasi 'bahala ka' yung sinagot ko? Eh laging ganyan yan eh.

Nagkatingin kaming dalawa sabay tawa, ewan ko rin eh hindi ko maintindihan etong mga nakaraang araw tumatawa na ako.

Mukha din kasi kaming tanga pareho kaming blonde yung buhok, pareho ding may malaking eye glasses yun nga lang ako lang ang mag braces.

"MADELINE ka ngayon" paalala niya. tss... pagbigyan! Lumabas na kami nang kotse tapos pumasok. Good thing gumana yung ka-ek-ekan ni Vince. Wala kasing lumalapit samin.

HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon