Heartless #21

812 22 3
                                    

Heartless

-imjasmineanne

Heartless 21

Elaine's POV

Handa na nga ba kong magpatawad?

R-ready na nga ba ako?

Sabi nila 'Life without pain is lifeless' eh bakit yung sakin puro pain na lang?

Pano naman yung happiness ko? Lagi na lang wala? Sawang-sawa na ko sa pain. Pero hindi mabigay yung happiness na hinahanap ko.

Nakita kong tumayo na sila at palabas na nang condo ko...

"wait..." mahinang tawag ko sa kanila, tumingin silang dalawa sakin si m-mommy maga din yung mata niya.

"M-m- Ugh! M-mom, sorry. Sor-ry, hindi ko alam. Bakit ba ganun? Bakit ganito kasakit? Lagi akong walang alam! Wala akong pakinabang. Bakit hindi niyo sinabi? Bakit nag-kaganito? Mom! Dad! Sa loob nang tatlong taon, di niyo man lang sinabi! Yung pagmamahal ko sa inyo... WALA NA! Napalitan na nang galit. Ayoko na nga kayo makita eh, ayoko na! Pero bakit kayo nandito sa harapan ko ngayon? Bakit niyo pa naisipang bumalik dito?!  Bakit nandidito nanaman kayo... bakit niyo pa ko ginulo..."

Ilang beses pa ba? Ilang beses pa akong iiyak nang dahil sa kanila? Ayoko na eh. Sawa na ako! SAWANG-SAWA na! Pero ba't laging ganito? Lagi akong nahihirapan. Lagi akong nasasaktan.

"Alam niyo ba? Mom? Dad? Hindi ko alam ang gagawin ko nung iniwan niyo ko. Di ko rin alam kung mabubuhay pa ba ko, mag-isa ako nun! Walang kasama. Walang karamay. At ano? Iniwan niyo sakin yung bahay? Anong gagawin ko dun? Wala! Mom, hirap na hirap ako nun. Hinintay ko kayo... pinaniwala ko yung sarili kong babalikan niyo ko. Kaso hindi eh, matigas kasi kayo! Alam niyo rin bang sinubukan ko pang mag-pakamatay para matakasan 'tong mga problema na 'to? Ang babaw ko no?! ANG BABAW-BABAW KO! ANG HINA-HINA KO! Sa araw-araw na ginawa nang Diyos... wala akong ibang sinisi kundi ang sarili ko, sarili ko na din ang sinisi ko kung bakit nawala yung kapatid ko... takot na akong lumapit sa ibang tao nun... pati ang makipag-kaibigan hindi ko ginawa, dahil ang nasa isip ko IIWAN din nila ko, gaya nang ginawa niyo." 

Iyak lang ako nang iyak... ganun din si Mom, si Dad umiiyak na din. Hindi nila alam ang pinagdaanan ko, kung paano ko kinaya ang sakit na dala nito. Hindi nila alam kung paano ako nag-hirap. Hindi nila alam ang lahat nang iyon kasi... wala sila.

"... alam niyo ba ang iniisip ko? SYEMPRE HINDI. Kasi wala kayo dito. Sarili niyo lang kasi ang inisip niyo. Hindi lang naman kayo yung nasaktan nung nawala si Glydel, AKO DIN! Pero hindi niyo ko inisip, inuna niyo yung pag-dadalamhati niyo. Buti pa nga kayo eh, mag-karamay kayong dalawa. Eh ako? AKO LANG DIN. Ako lang lagi mag-isa. Alam niyo ba ang lagi kong sinasabi sa kanila? Sinabi ko na... hindi nga kong kaya mahalin nang magulang ko eh, kayo pa kaya? Hindi nga nila nagawang manatili sa tabi ko, kayo pa kaya? Ang sakit diba? Ayoko kasing malapit sa kanila. Dahil iiwan din naman nila ko, at baka mapahamak pa sila pag nasa tabi nila ko. Alam ko naman eh, alam kong maiiwan pa rin akong mag-isa..."

HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon