Heartless #16

761 24 0
                                    

Heartless

-imjasmineanne

Chapter 16 Where's Vince?

Vince's POV

Pag-katapos niya akong iwan umalis na din ako. Bumalik na ko sa hotel room namin.

At eto nanaman ang magaling kong pinsan. Tanong nanaman nang tanong kung ano ang nangyari. At talagang wala siyang alam?! O nagpapanggap siyang walang alam?! D*MN!

"Hindi ka ba talaga titigil Chris? Ang sakit mo sa tenga!" halos maputol na yung litid ko sa pagsigaw ko sa kanya.

"saan ka ba kasi pupunta? Bakit ka nagiimpake? Bukas pa nang hapon ang balik natin!" sigaw niya din sakin. Babalik na ako nang Pilipinas. Hindi na maganda ang hangin dito sa Jeju.

Magpapahinga na muna ko.

"Ano bang pakialam mo?!!" tapos hinawakan ko na siya sa kwelyo. Oo, galit ako! Galit na galit ako! Lalo na sa sarili ko!

Kung hindi ako naparanoid at nagselos kay Chris at Madeline edi sana hindi ako umamin edi sana hindi ako napaamin!

Hindi din sana mangyayari to!

"Vince! may pakialam ako. Pinsan mo ako." Sabi niya tapos tinaggal niya yung pag-kakahawak ko sa kwelyo niya.

"yun na nga eh. Pinsan lang kita!!" tapos umalis na ako. Tapos na akong mag-impake kaya iniwan ko na siya.

Ayoko muna siyang makita. Pag sakay ko nang taxi nag suot agad ako nang pang-disguise. Eto nanaman ako. Magtatago, pero this time hindi para maging masaya.

Kundi para taguan sila.

Ayokong may makakilala sakin sa airport. Ayoko na muna silang dumagdag sa problema ko.

At kung saan ako pupunta? Hindi ko pa alam.

Elaine's POV

Matapos nang nangyaring sagutan namin ni Vince, dumeretso na muna ako nang garden nang hotel. Alam kong wala siya dun. Alam ako, sa lugar na yun. Payapa. Tahimik.

Bakit garden ang lagi kong pinupuntahan? Simple lang, simula bata kasi ako sa tuwing pinapagalitan ako nila mommy o daddy mag-aabang na sakin si Glydel sa garden.

Dun niya ako icocomfort.

Ayun ay nung mga panahong nandun pa ko sa tiretoryo nang mga magulang ko. Sa pugad ng mga demonyo.

Nung mga panahong buhay pa ang kakampi ko. Ang nag-iisang karamay ko. At sarili ko lang ang aasahan ko.

Ngayon lang kami nag-away ni Vince nang ganito. Bakit ba naman kasi sa dinami dami nang babae sa mundo saakin pa?

Ako pa na ayaw nang mag-mahal. Na takot mawalan nang mga mahal sa buhay.

At siguro nga, Hindi na din marunong mag-mahal.

Nung medyo kumalma na ako, naisipan ko nang bumalik nang hotel room at baka hinahanap na nila ako.

Pagpasok ko nang hotel room namin ni Jeanne hindi nga ako nagkamali nandun na sila. Kumpleto, si Ate Angel, kuya Darren, at Chris.

Nasan na nga ba yun?

Iiwan na nga ba niya ko?

Nagsawa na nga ata sakin.

"Bakit ngayon ka lang?"

"Ano bang ginagawa mo?"

"saan ka ba galing?"

HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon