Heartless #19

724 21 0
                                    

Heartless

-imjasmineanne

Heartless 19

Elaine's POV

Nandito ako ngayon sa dati naming bahay, ewan ko kung bakit ako napadpad dito.

Wala lang naman kasi talaga akong magawa kanina eh, kaya dito ako nadala nang paa ko. Hindi pa naman 'to mukhang haunted house dahil may hi-nired akog care taker para sa bahay na 'to.

Twice a month ang linis nang bahay hindi naman nagagamit kaya okay lang sigurong ganun.

Actually, ayoko naman na talagang makita 'tong bahay na to eh. Pero hindi ko din alam kung ano ang gagawin ko dito ngayon at mas lalong hindi ko alam kung bakit iningatan ko pa itong bahay na to.

Hindi ko din siya binenta, bakit? Kasi hindi naman sakin 'to. At mas lalong wala akong interes sa makukuhang pera dito.

Hindi naman ako ang gumastos nung pinaayos 'to, ni hindi ko nga alam kung saakin naka-pangalan 'to eh.

Nag-lakas-lakd lang ako sa loob at inaalala yung mga bawat pang-yayari sa kada sulok nito.

At wala akong ibang magandang maalala kundi ang masasamang nangyari sa buhay ko. Yung cold na pakikitungo sakin nang mga magulang ko. Sila yaya lagi ang kasama ko tuwing may lakad sila mom, hindi ako kasama. Parang isa lang ang anak nila.

Masakit, oo pero habang tumatagal nasanay na din ako. Nsanay na din sa sakit na nararamdaman ko. Na malayo ang loob nila sakin.

Pero hindi ako nawalan nang pag-asa na baka mag-bago pa sila, na baka sakaling matuto din silang mahalin ako.

Pero nang-yari na ang hindi namin inaasahan, yung pagkwala ni Glydel hindi pa rin nila ako mahal. Mas lalo pa silang nagalit sakin.

Iniwan nila ko.

Iniwan akong mag-isa, hindi nila iniisip kung kaya ko bang mabuhay nang wala sila. Kung kaya ko na ba ang buhay mag-isa.

Kapag napapatingin ako sa bawat sulok nang bahay... puro pasakit. Puso masasamang ala-ala.

Minsan, iniisip ko ano kayang feeling kung mahal nila ko. Minsan pa iniisip ko kung ampon nga lang ba ako. Pero hindi eh, totoong anak ako. Mas masakit diba? Na totoong anak ka pero ganun sila? Ni hindi ka kinayang mahalin.

HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon