PROLOGUE

36 2 0
                                    

Hindi ako dumaan sa pagkabata.
Lumabas ako sa isang misteryosong puno.

Walang alam sa mundong tinatahak.

Maging sa kapangyarihang taglay ko ay walang kaalam-alam.

Nagahahanap ng kasagutan sa aking pagkakakilanlan.

Makakakilala ng higit pa sa turing sa kaibigan.

Napamahal sa bayang kumupkop at nag aruga.

Sinanay at pinalakas para buhay ay maisalba.

Naging mabuti sa kapwa at naging matulongin.

Subalit hindi lahat ng lihim ay patuloy na malilibing.

Digmaay parating na siyang kikitil sa maraming buhay.

Dadanak ang dugo dahil sa dating pagsuway.

Di ako pwedeng mangialam subalit buhay na ng aking mga mahal ang pinag uusapan.

Babaliin bang muli ang nasira ng kasunduan?

Para lamang silay mabuhay at mailayo sa kapahamakan?

O hayaan na lamang na silay magdusa?

Hindi ko alam kong ano ang kahahantungan.

Sana ang desisyon ko ang siyang magiging katapusan.

Ako si Xandra Cloeh ang magpapasibol ng kaligayahan o magdadala ng nagbabadyang katapusan.

THE CURSED ABILITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon