CHAPTER 3: XANDRA CLOEH

12 1 0
                                    

Dumating ang babaeng pinaalis nila para masabihan ang kanila umanong Headmaster tungkol sa akin.

Pero ang laging bumabagabag sa akin ay ang tungkol sa LIBRO, kung paano ko ito makukuha sa kanila.

"Headmaster wants to talk to that girl. Kailangan na natin siyang dalhin sa Academy sa lalong madaling panahon."sabi ni Hasmin na hingal na hingal.

"Bago ninyo ako dalhin dun sa Academy na sinasabi niyo, pwede bang pagpahingahin niyo muna ako saglit, dahil hindi ko maintindihan lahat ng pinagsasabi ninyo."pagpapaliwanag ko sa kanila.

"Don't try to run away miss because it won't work."sabi ni Dustin sa akin ng napakaseryoso. Pero di yun ang nagpatigil sa akin. Sa totoo lang, hindi ko talaga naiintindihan ang kanyang mga sinasabi. Siguro ay taga ibang lugar sila dahil sa kanilang ibang lenggwahe na sila lamang nakakaintindi.

"Huwag mo nga akong pinagloloko ginoo, kung makikipag usap ka sa akin maari ba na sa ganitong wika lamang, sapagkat ni isa sa iyong binanggit ay wala akong naiintindihan", pagpapaliwanag ko na nagpatawa sa kanila maliban kay dustin.

"Naku Dustin taga ibang mundo pala itong nahuli mo, maski Engish di gets", natatawang sabi ni Henley.

"Oo nga pala di pa kami nagpapakilala ng maayos sa iyo, Ako pala si Hasmin Kenleigh", sabi ng babae. Sa totoo lang nakilala ko na agad sila dahil sa pagbanggit nila sa pangalan ng bawat isa.

"Hello, ako naman si Henley Frozt, nice meeting you beautiful lady", sambit ng lalake na kasama nila. Habang ako ay nag aantay sa pagpapakilala ng nakahuli sa akin kahit na alam ko na ang kanyang pangalan.

"Dustin Fierus", pagsusungit niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit parang galit na galit ito sa akin samantalang sila na nga ang nakaargabyado sa akin.

"Alam ko na malabong maging ikaw si Xandra, so ano ang panagalan mo miss? "tanong sa akin ni Hasmin sabay abot ng kanyang kamay para makatayo ako ng maaayos.

Inabot ko naman ito at pinagpagan ang aking damit.

"Hindi ko alam ang aking pangalan , pero kinagagalak kitang makilala Hasmin.", malumanay na sagot ko kay Hasmin na ngayon ay nagtataka.

"Hindi mo alam ang pangalan mo miss? Baka nagka amnesia siya Hasmin", sabat ni Henley na ngayon ay naghahanda na sa aming pag alis.
"Baka naman nag t-time travel siya? o di kaya ay kinain ng mga halimaw ang utak niya?" dagdag pa niya.

"Pasensya na talaga sapagkat kahit ako ay di alam kung paano ako naparito at kung ano ang aking pangalan. Sana sa inyong pagdadalhan saq akin ay makakapagbigay kayo ng impormasyon kung sino talaga ako."mahabang pagpapaliwanag ko sa kanila.

"Ahh ganun ba? Siguro Malaki ang maitutulong sa atin ni Headmaster para malaman natin kung sino ka talaga. Alam mo bang napakaganda mo pang dyosa level miss. Sure ako na magkakasundo tayo about that."sabay ngiti sa akin na Hasmin. Masasabi ko na napakabait niya base sa kanyang kilos at pagsasalita.

Pero hindi dapat ako magtiwala agad lalo na't kakakilala ko pa lamang sa kanila.

"Maghanda ka na miss, masungit pa naman yang si Dustin sa mga taong nagpapahuli lagi." Sabay hila sa akin ni Henley na halatang takot.

"Mahaba habang byahe na naman ito. Dalawang oras na lakaran bago makarating sa may portal. Gutom na ako Dustin.", pagrereklamo ni Hasmin at nagsimula na ring naglakad.

Habang si Dustin ay walang imik at patuloy lang sa paglalakad. Agad ko namang kinuha ang aking kamay sa pagkakahawak sa akin ni Henley at nagpatuloy sa pagsunod sa kanila.

Matapos ang mabang lakaran ay huminto kami sa isang puno na may nakaukit na ibat ibang simbulo.

"Hay salamat naman. Nakarating na din tayo sa may portal", galak na galak na sabi ni Henley at hinalikan pa ang puno.

"Will you please stop that Frozt, baka mabura ang spell sa ginagawa mo":, galit na singhal ni Dustin kay Henley. Kanina pa ako nagugulohan sa mga wika na kanyang binibigkas. Nakakasakit ng ulo sapagkat di ko talaga maintindihan.

"Dito kaba dumaan kanina binibining Hasmin papunta sa sinasabi ninyong Academy?"pagkamangha kong tanong.

"Alam mo miss, natutuwa ako sayo kasi ang galang mo. Di katulad sa dalawang damuhong yan na walang respeto. Tsk."inirapan niya ang dalawang binita.

"Nasanay lang ata ako Binibining Hasmin. Pero di ko alam kung bakit."pagpapaliwnag ko.

"Actually yan nga ang ginamit ko kanina—ganito na lang gagawan muna kita ng Pangalan, ano bang maganda?", sabi ni Hasmin habang nakahawak pa sa kanyang ulo.

Nag aantay ako sa ipapangalan niya sa akin sapagkat kahit ako ay nahihirapan din sa ganitong sitwasyon.

"Ahhh alam ko na!", nakangiting sigaw ni Hasmin.

Agad akong napalapit sa kanya para malaman ang itatawag niya sa akin.

"Xandra Cloeh na lang."napangiti ako sa itinawag niya sa akin, Xandra Cloeh napakagandang pangalan.

"S-salamat Bnibining Hasmin". Ngiti ko sa kanya.

Isang napakatamis naman na ngiti ang pinukol niya sa akin. Habang and dalawang lalake ay may binibigkas na mga kataga na parang pamilyar sa akin.

Xandra Cloeh? Magandang pangalan.

"Tara na Xandra bukas na ang portal, pwede na tayong pumasok tsaka huwag muna akong tawaging binibini Hasmin na lang.", nagtatalon na sabi ni Hasmin sabay hila sa akin papasok sa isang itim na butas na hinigop ang buo naming katawan.

Pagpasok namin ay nakaramdam agad ako ng pag ikot ng itim na kapaligiran at parang hinahati ang aming katawa.

"Kaya ayoko dumaan sa mga portal portal nayan ehh, nakakahilo shit!!", pagrereklamo ni Henley habang hawak ang ulo niya.

"Welcome to the Firious Citry Xandra."masayang pagpapakilala ni Hasmin sa pinaglabasan namin na portal umano.

Wala akong masabi kundi

"ANG GANDA"

-----Xauriah

THE CURSED ABILITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon