Xandra's POV
Kanina ay limang lalake ang bumangga sa pader dahil sa hindi nakikitang pwersa at nasundan pa ulit ito ng lima pa dahil sa kanyang nag aalab na suntok.
Ganito ba talaga kalakas itong si Dustin?
Naglabas pa ng kanilang sandata ang mga lalake at pilit na hahampasin si Dustin ngunit hibdi pa man ito nakakalapit ay natutunaw ito o di kaya ay nagiging abo.
"Is that all?" mapang asar na ngiti ang sumilay sa labi ni Dustin. Subalit hindi ko talaga naiintindihan ang kanyang mga binabanggit.
"Anong tinatanga-tanga mo jan? Atakihin na ang lalakeng iyan!" umusok na ang ilong ng pinuno nila.
Lumusob naman ang natitirang kasama niya.
Akmang may papalo sa ulo ni Dustin sunalit nagpalabas lamang siya ng isang bolang aboy at tumama sa tiyan na siya namang kinatilapon nito.
Sinuntok pa niya ang ilan at nakasalampak ang mga ito sa sahig ng wala ng malay.
Ang natitira na lamang ay ang pinuno nila.
"Magaling ka bata. Pero mas magaling ako." saad ng pinuno na pinagpapawisan na. Halata namang takot na ito pero parang may kompyansa pa siya sa kanyang sarili na mananalo.
Tumigil na kami sa pagkain at pinanuod na lamng ang laban nila.
Si Henley ay nakangiti parin ng nakakaloko habang si Hasmin ay tinitignan ang kanyang mga kuko.Ewan ko ba at ang laki ng tiwala nila kay Dustin na wala ng ginawa kundi kalokohan.
Bahagyang nagulat si Dustin, Henley at Hasmin ng bigla na lamang umitim ang enerhiya ng pinuno ng kalaban.
"Ako pala si Aki, miyembro ng Black Dragon Society." at naglabas ito ng itim na usok sa kamay.
"Sinasabi ko na nga ba, kaya pala you look so familiar. Kasi wanted ka pala dahil sa pagnanakaw ng mga pera sa mga food stall." Sabi ni Hasmin na nakaupo pa din.
"Wala nang satsat." bigalang lumaki ang itim na usok na nilalabas ni Aki.
Bumalot ito sa kanyang buong katawan.Si Dustin ay nakatayo parin habang mas lalong lumalakas ang apoy sa kanyang mga kamay.
"Easyhan lang natin to" sabay pagpapatunog ni Dustin sa kanyang mga daliri.
Agad siyang bumulusok papunta kay Aki habang ang kanyang mga paa ay nag aapoy.
Hindi naman nasangga ni Aki ang atake ni Dustin kaya tumilapon siya sa malayo subalit naibalanse niya parin ang kanyang katawan kaya naman nakatayo ito ng maayos.
"Iyan lang ba ang kaya mo bata?" pang-aasar ni Aki.
Hindi parin nagpatinag si Dustin at mas lalong lumawak ang ngiti na sumilay sa kanyang labi.
"Hahaha, sa tingin mo yun lang ang ginawa ko?" ngayon si Dustin naman ang nang aasar.
Bigla na lamang sumuka ng dugo si Aki na nagpagulat sa kanya.
Hindi na ako nagulat sa ginawa ni Dustin. Kitang kita ko na hindi lang isang suntok ang pinakawalan niya kundi sampong magkakasunod-sunod.
Kung isang normal na tao lamang ang nanunuod sa kanilang laban ay hindi nila makikita ang ganoong atake.Subalit ang pinagtataka ko ay kung bakit nakikita ko ang bawat galaw nila. Parang bumabagal pa ang kanilang mga galaw sa aking balintataw.
Nagpalitan pa sila ng suntok.
Nasipa ni Aki ang mukha ni Dustin kaya napangiwi ito.Ang kaninang usok ay nagmistulang bakal sa kamay ni Aki.
Kakaibang kapangyarihan."Ginagamit niya ang kanyang usok para gawing sandata. Hindi na ako nagtataka na kasapi nga talaga siya sa Black Dragon Society". pagpapaliwanag ni Henley habang nakatungo at pinagmamasdan ang laban ng dalawa.
BINABASA MO ANG
THE CURSED ABILITY
FantasíaIsinilang ako ng walang magulang. Walang muwang, Walang alam sa mundo ng kapangyarihan. Namulat na lamang ako at naguluhan. Nalaman ang kasagutan na ang hirap paniwalaan. Digmaay hindi dapat ako mangialam. Ang sabi ay hayaan na lamang. Minsan nang...