Maaga akong gumising, dahil napagdesisyonan ko na kailangan ko ng baguhin ang nakaugalian ko. Kailangan ko ng makisabay kung ano ang meron sa modernong panahon.
Tutal alam ko na ang lahat ng bagay na naandito, salamat sa mga libro na nahiram ko kay Eriz. Kaya alam ko na kaya ko nang makipagsabayan sa estudyante dito.
Maaga akong naligo at nag ayos. Sinuot ko na ang uniporme na long sleeve na kulay puti na tinernuhan ng dark blue na coat at maroon na neck tie. Ang pambaba naman ay palda na dark blue. Mahabang medyas at balck shoes.
Mabuti na lamang at bumagay sa akin at komportable naman ako.
Habang pinagmamasdan ko ang aking sarili sa salamin ay kapansin pansin ang logo ng Sapphire Academy na naka burda. Simple lamang ito, isang korona na may anim na dyamante at sa likod nito ang dalawang espada naka ekis, na sa tingin ko ay ang espadang 'Skullibor' at 'Louminous Sword'.
Paglabas ko ay kasabay ang pagbukas ng katabi kong pintuan. Lumabas dito si Hasmin na antok na antok pa at halatang hindi pa nagsusuklay.
"Good Morning", bati ko sa kanya.
Natauhan namn siya at nagulat ng bahagya.
"Good morning din Xandra, alam mo di ko keri ang pagbabago mo ngayon. Mas lalo kang gumanda sa suot mo, infaairness ha. Pati pananalita, pak na pak."
"Mas mabuti na siguro ito, nang makasabay naman ako sa inyo."
"Tama ka friend, tara na at isaboy ang ating kagandahan sa buong school."
hinila naman niya ako palabas ng dorm namin.
Habang kami ay naglalakad papuntang cafeteria para mag almusal ay panay ang tingin ng mga estudyante sa amin.
"O anyare? ngayon lamg ba kayo nakakita ng mga dyosa? well masamay na kayo." sabay irap ni Hasmin sa mga estudyante.
"Anong dyosa? kaya ka kamo tinitignan kasi may muta ka pa at tuyong laway sa mukha. Ew, di ka ata naligo Hasmin eh." biglaang sulpot ni Henley.
"Asan? asan? Naku sabi ko na nga ba may malo ehh, patingin nga ako sa salamim." histirikal na sambit ni Hasmin.
Binigay naman agad ni Henley ang hinihingi ni Hasmin. Kinuha niya sa mga babaeng nagpapaganda at kung ano ano ang pinanlalagay sa mukha.
"O ayan! Ng makita mo panget mong mukha." dagdag pa niya.
Napangiti na lamang ako. Kahit kailan talaga itong dalawa. Hindi nagkakasundo.
'wala naman ah!'
'Ah wala ba? oo inborn ka na palang ganyan kaya sanay ka na'
'loko ka ah!'
'A-aaray. Saglit- aray. huwag jan masakit'
'Bagay yan sayo ulopong ka!'
Binibigyan naman ng daan ang dalawa habang hawak ni Hasmin ang tenga ni Henley.
'Pre tulongan mo naman ako.'
Napatingin ako sa lalaking hiningan ng tulong ni Henley. Si Dustin pala. Bagay na bagay sa kanya ang long sleeve na white at dark red na neck tie nakadagdag pa ang dark blue na coat. Katulad ng kulay ng coat niya ang slocks niya.
"Good Morning" bati niya sa akin.
"Good Morning din" balik na bati ko sa kanya.
"Diba sa cafeteria naman ang deretso mo? sabay na tayo" yaya niya sa akin
"Oo, ikaw kumain ka na ba?"
"Hindi pa nga eh, tara sabay na tayo."
hinawakan niya anh aking kamay habang naglalakad kami. Panay naman ang tingin ng mga nakakasalubong namin.
Ano kaya ang tinitignan nila? Isinawalang bahala ko na lamang ito.
~•~
Pagkatapos naming kumain ay dumeretso na kami sa battle field.
Power inhancement ang papag aaralan namin ngayon.
Ang sabi sa akin ni Dustin ay dito namin mapapalakas ang aming kapangyarihan.
BINABASA MO ANG
THE CURSED ABILITY
FantasyIsinilang ako ng walang magulang. Walang muwang, Walang alam sa mundo ng kapangyarihan. Namulat na lamang ako at naguluhan. Nalaman ang kasagutan na ang hirap paniwalaan. Digmaay hindi dapat ako mangialam. Ang sabi ay hayaan na lamang. Minsan nang...
