Chapter1: THE FOREST

37 1 0
                                    

Minulat ko ang aking mga mata.

Napansin ko na ako pala ay nakabalot sa isang malagkit na tubig ngunit hindi ito pangkaraniwan.

Gumalaw galaw ako para mabutasan ang bagay na nagkulong sa akin dahil malambot lamang ito.

Nagawa ko ngang makalabas ngunit sa hindi inaasahan ay nahulog ako at bumagsak sa malamig na lupa.

Agad kung tinignan kung ano ang malagkit na tubig na bumabalot sa aking hubo't hubad na katawan.

Sino kaya ako at ano ang ginagawa ko sa lugar na ito? tanong ko sa sarili ko.

Pinagmasdan ko ang kapaligiran. Naamoy ko ang preskong hangin.
Mapuno at napakaraming mga bulaklak na may iba't ibang kulay.

Agad kong napagtanto na nasa isang kagubatan pala ako.

Sinubukan kong tumayo pero nanghihina pa ang mga paa ko kaya agad akong bumagsak.

Nakarinig ako ng kaluskos sa may damuhan. Naramdaman ko din ang pagyanig ng lupa.

May lumabas na isang napakalaking nilalang.

Di ko alam kung bakit ito nakatingin sa akin at kung ano ang hangarin nito. Subalit ang napapansin ko ay ang mga mata nitong nag aapoy sa galit.

Nahihirapan pa rin akong tumayo.
Anong gagawin ko?

Agad itong tumakbo papunta saakin at mas lalong yumanig ang lupa na aking kinauupuan.

Di ako nakaramdam ng kaba o ano pa man. Nanatili parin akong kalmado.

Nang makalapit ito, isang metro lang ang layo, bigla na lamang itong tumigil at bumagsak sa aking harapan. Dumanak ang dugo nito papunta sa akin at amoy na amoy ko ang malansa nitong dugo.

Sinuri ko muna ito kung maaari ko ba itong pakinabangan.

Nakakita ako ng mga matutulis na bato at kumuha ng isa sapagkat sa tingin ko ay magagamit ko ito para makuha ang balat ng nilalang na bigla nalamg humandusay at para bang wala na itong buhay.

Agad kong binalatan ang patay na hayop at tinanggal ang balat at makapal  balahibo nito.

Alam kong wala akong suot na damit kaya malaking tulong itong balat ng nilalang pantakip sa aking katawan.
Tumayo ako at kahit nanghihina nagawa ko paring maglakad papuntang pang pang.

Pinatuyo ko muna ang balat ng hayop sa sinag ng araw at agad akong nagtampisaw sa ilog.

Na gandahan ako at hindi mkapaniwala nang paghawi ko sa tubig ay nagsilutangan ito.

Nakakita ako ng mga isda na masayang lumangoy.
Lumapit sila sa akin at hinawakan ko sila.
Pagkahawak ko sa kanila ay bigla na lamang nagbago ang kanilang mga anyo.

Naging isa silang mga maliliit na taong may pakpak na kulay asul.
Nakipaglaro ako sa kanila habang sila naman ay masayang lumalangoy sa mala kristal na tubig.

Pagkatapos kung maligo ay nagpaalam na ako sa mga maliliit na taong may pakpak na kulay asul.

Kinuha ko ang tuyong balat ng hayop at hinabi ito upang maging damit.
Nang matapos ang aking paghahabi, agad ko itong sinuot at komportable naman ako doon.

Naglakad lakad ako sa loob nang kagubatan hanggang sa nakalabas ako at napadpad sa isang bayan na puno ng mga tao.

Lahat ng mga mata ay nakatingin sakin.
Siguro ay dahil sa aking damit na hindi pangkaraniwan.

Hindi ko na lamang sila pinansin at nagpatuloy na lamang sa aking paglalakad.

Habang ako ay naglalakad ng matiwasay, bigala na lamang may sumabog sa di kalayuan.
Hindi ko alam kung ano iyon subalit nakikita ko na mas lumalakas na ang apoy at usok nito. Madali itong kumalat sapagkat ang kanilang mga bahay ay gawa lamang sa mga kahoy.

Nagtakbuhan ang mga tao habang ako ay nakatayo pa rin at di nagpatinag. Marami ang nakabunggo sa akin subalit nakatayo parin ako.

Sa umaapoy na mga bahay, may lumabas na isang tao na nakatalukbong ang mukha at katawan kaya di ko malaman kung isa itong babae o lalake.

Gulat na gulat ito at bigla itong tumakbo papunta sa akin na may halong saya.
Agad naman akong umiwas, subalit sa sandaling iyon, ay may binangit siya na nagpasakit sa aking ulo.

"Alleria?" tanong niya.

--

THE CURSED ABILITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon