Xandra's POV
Iba't ibang nilalang ang aking nakita na nagliliparan sa himpapawid pati na rin sa mga maliliit na nilalang na lumalangoy sa ilog.
Batid ko na kakaiba ang lugar na ito dahil sa kakaibang tanawin at wangis ng mga tao dito."Ang ganda no? well mas maeexcite ka pa pag nasa Academy na tayo" sabay hila niya sa akin na hindi man lang natatakot, kahit kakakilala lamang niya sa akin.
"Hay salamat at nakauwi na tayo", buntong hininga ni Dustin sabay ngiti ng malawak.
Kani-kanina lang ay napakasungit niya, samantalang ngayon ay ngiting ngiti.
"Ganyan ba ang ugali ni Dustin? pabago-bago?"baling ko kay Hasmin na kumikislap ang mga mata sa saya.
"Naku, kung alam mo lang. Ang kulet niyan, baka badtrip lang siya kanina. Pero naku Xandra, sasakit ulo mo sa kakuletan niyan" pagpapaliwanag sa akin ni Hasmin.
Akala ko ay may sakit sa pag iisip itong si Dustin, pero may tinatago lang pala siya. Bakit kaya siya nagsusungit kanina.
Ipinagwalang bahala ko na lamang ang nangyare kay Dustin at pinukol ang tuon sa aking misyon na gagawin. Ang makuha ang sinasabi nilang "LIBRO".
"Naku next time, di na talaga ako papasok sa portal portal na yan."pagmamaktol ni henley habang tamad na tamad sa paglalakad.
"As if may choice ka, lalo na pag may pinagawa na naman sila na misyon sa atin",irap sa kanya ni Hasmin.
Nagsagutan pa sila, hanggang nauwi sa pagbabangayan.
Nagtama ang mata namin ni Dustin at nginitian niya lang ako na akala mo ay walang nangyare kanina sa amin.
Hindi ko na lamang siya pinansin at pinagpatuloy ang aming paglalakad."Hindi ba sasabay sa atin ang mga kawal na sumundo sa atin kanina?" pagtatanong ko kay Hasmin at lumapit sa kanila ni Henley.
"Mayroon pa silang misyon doon sa gubat kaya parang matatagalan pa sila sa pagbalik sa Academy."sagot naman niya.
"Kung ganun, ano ang ginagawa niyo sa gubat", dagdag na tanong ko.
"Ang totoo niyan ay isang buwan na kaming tatlo sa gubat na iyon. Binigyan kami ni Headmaster ng misyon para hanapin si Alleria Heirmes, matalik na kaibigan namin at aming kababata. Kaya noong nalaman namin na nawawala siya tinanggap namin ang misyon." pagkukuwento niya.
Nalaman ko na bukod tangi pala itong si Alleria sapagkat hindi lamang siya maganada kundi napakalas din daw niya sa larangan ng paggamit ng kapangyarihan.
"Pasensya Hasmin, alam ko na mahirap ito para sa inyo. Pero alam kong nasa mabuting kalagayan siya ngayon."pagpapagaan ko ng loob niya.
Ang kaninang malungkot na mukha niya ay napalitan ng matamis na ngiti.
"Mahahanap din namin siya , maraming salamat Xandra".Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Hasmin habang ang dalawang lalake ay nasa likuran lamang namin.
Pinagmasdan ko silang dalawa na nagkukulitan na parang mga bata.Nanahimik lamang ako at si Hasmin. At wala nang ibang maririnig kundi ang tawanan ng dalawa,ni Henley at Dustin, na ang saya sayang nag uusap.
Hindi ba sila napapagud sa paglalakad habang nag dadaldalan?Matapos ang aming mahabang paglalakad ay nakarating kami sa isang bayan na tinawag ni Hasmin na Saffiro Village.
"Yahhhooooo! Hasmin pahinga mo na tayo dito! Where is the food? where is the food!" naglalaway na sabi ni Dustin. Habang si Henley ay kumikislap ang mga mata sa mga pagkain na nakatinda.
"Pagpasensyahan mo na Xandra kung paano umakto ang mga yan, isang araw na din kasi kaming hindi kumakain. Puro tubig lang ang aming iniinom." pagpapaliwanag ni Hasmin sakin nang bigla na lamang tumunog ang kanyang tyan.
BINABASA MO ANG
THE CURSED ABILITY
FantasyIsinilang ako ng walang magulang. Walang muwang, Walang alam sa mundo ng kapangyarihan. Namulat na lamang ako at naguluhan. Nalaman ang kasagutan na ang hirap paniwalaan. Digmaay hindi dapat ako mangialam. Ang sabi ay hayaan na lamang. Minsan nang...