CHAPTER 6: SAPPHIRE ACADEMY

4 1 0
                                    

"Take thy power, finest thy sword. Bloom thy presence, lure thy world"

Isang nakaluhod na babae ang nakaluhod sa aking harapan.
Nagpupumiglas akong gumalaw, subalit may pwersa na pumipigil sa akin. Tinawag ko siya para akoy kaniyang tulongan subalit lumingon lamang siya sa akin.

"Afraid not,for end is near.
take me thee
let the power be free"

Nagbanggit ulit siya ng mga kataga. Subalit ilang beses ko bang sabihan ang mga taong ito na tumigil na sa kakasalita ng mga lenggwahe na hindi ko talaga maintindihan.

Sa pagkakataong ito ay hinawakan niya ang aking ulo at nagbanggit ng mga salita na mas nagpagulo sakin. Kaakibat nito ang sakit na dumadaloy sa aking buong sistema.

Napasigaw ako ng ubod ng lakas. Hindi ko kinaya ang sakit at hapdi na dinudulot ng kung ano man ang ginagawa niya sa akin. Napapikit na lamang ako habang dinadamdam ang sakit.

"Ahh-------lumayo ka sa akin." sigaw ko ng ubod ng lakas.

"Gising na ang pasyente!" sambit ng hindi pamilyar na babae. Ito ay nakasuot ng puting damit at may hawak na isang bagay na may lamang likidong asul.

Lumapit sa akin si Hasmin ng may bahid ng pag alala.
"Salamat naman at gising ka na Xandra, pinag-alala mo ako ng sobra sobra. My gosh sakit sa bangs." Inalalayan niya akong umupo sa aking pagkakahiga.

"Oh ito tubig." tsaka inabutan ng malamig na tubig.

"Anong nangyari Hasmin? Hindi ba't hawak ako ng isang halimaw bago ako mawalan ng malay?"

"Oo nakuha ka ng Krakurous, subalit may hindi kami inaasahang pangyayari." bakas sa kanyang tuno ang pagkamangha at pagtataka.

"B-bakit may dumating ba para iligtas ako?" tanong ko.

Ngumiti siya nang pagkatamis tamis at may halong panunukso.

"Oo, si Dustin, sino pa nga ba ang Knight in Shining Armor mo?"

Wala naman akong maintindihan sa kanyang sinabi.

"Noong nakuha ka na ng Krakurous, kita ko sa aking mga mata na galit na galit si Dustin. Infairness, ngayon ko lang ulit nakitang ganun magalit si Dustin."

"Pagkatapos?" Hindi ko alam kung bakit bitin itong magkwento.

"Ayon tustado ang Krakurous. I mean, sinunog niya lang naman ang halimaw." humalagapak pa ito sa tawa habang sapo ang tiyan.

" Anong nakakatawa doon?" takang tanong ko.

"Eh kasi itong Henley, tatanga tanga ba naman, lumapit doon sa halimaw para iligtas ka, ayon muntik nang masunog, buti yung damit niya lang ang nasunog sabay talon sa dagat." naluluha na siya sa kakakwento.

"Pero hindi lang yun." sumeryoso naman ang kanyang mukha.

"Pagkamatay ng Krakurous, bigla na lamang hinigop ng iyong katawan ang kanyang kaluluwa. May lahi ka atang Black Hole bess, di ko carry."

Gumagamit na naman siya ng mga salita na hindi ko maintindihan.
"Ha?" ang nasambit ko na lamang.

"Ang ibig kong sabihin, kinain ng katawan mo ang kaluluwa ng Krakurous. Kaya laking pagtataka ng mga tao na nakasakay sa barko. Isa ka daw katangi tanging nilalang." pagpapaliwanag niya.

THE CURSED ABILITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon