CHAPTER2: THE BEGINNING

18 1 0
                                    

Sa boses pa lamang nito ay mahahalata ko na isa itong lalake. Pero hindi iyon ang nagpakabagabag sa akin kundi ang kanyang mga binanggit.

"Sino kang lapastangan ka ?"bulyaw ko sa lalake at nahalata ko sa kanyang mukha na nagulat ito sa aking tanong.

"Will you please stop this nonsense conversation Alleria. Halika na at bumalik na tayo sa Academy." seryosong sabi niya habang nakatingin sa akin.

Ang totoo ay di ko siya maintindihan sapagkat iba ang kanyang wikang ginamit maliban sa huling mga salita na binitawan niya.

"Huwag mo akong pinagloloko Ginoo ngayon lamang kita nakita at di ko kilala ang sinasabi mong Alleria." nagtatangka na sana akong umalis subalit di ako makagalaw sa aking kinatatayuan.

"Don't be stubborn again Alleria. Sa ayaw at gusto mo sasama ka sa akin sa Academy." mautoridad niyang sabi sabay hawak sa aking mga braso.

"Anong ginawa mo sa akin Ginoo? pakawalan mo ako ngayon din kung ayaw mong mawalan ng buhay." pagbabanta ko sa lalakeng ito sapagkat kailangan ko na talagang umalis para humanap ng kasagutan. Sana umepekto ang mga pagbabanta ko. Pero hindi ko alam kung paano ako makakawala dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawag niya sa akin.

"Alam mo na hindi ako natatakot sa mga pagbabanta mong yan Alleria, Alam mo yan!",lintya niya. Kaninana pa ako nagtitimpi sa lalakeng ito. Base sa mga salita niya ay kilalang kilala niya ako.

"Pakawalan mo na ako kung ayaw mong---"di ko natuloy ang aking sasabhin nang bigla na lamang may naramdaman akong dumating sa aking likuran na sa tingin ko ay mga dalawa. Siguro ay mga kasama ito ng lalake.

"Grabe ka talaga sakin Dustin naunahan mo na naman akong mahanap siya", pagmamaktol ng isang binata na di ko makita sapagkat nakatalikod ako sa kanila. Kung ganun Dustin pala ang pangalan ng lalakeng umatake sa akin.

"tss.", ganti ni Dustin sabay bitaw sa aking mga braso.

"wala talo ka talaga kay Dustin lagi Henley kaya sumuko ka na lang. HAHAHA."sabat ng isang babae.

Hinubad ni Dustin ang mga telang nagkukubli sa kanyang mukha at tumambad sa akin ang kanyang maitim na buhok, makapal na mga kilay, maputing mga balat, walang emosyong kulay asul na mga mata at mapulapulang mga labi.

"Tara na Dustin dalhin na natin yang si Alleria nang makabalik na tayo sa Academy",sabi ng babae at akmang lalapitan ako subalit nang nasa harapan ko na siya ay bigla na lamang siyang nagulat at naguluhan.

Batid ko sa kanyang mga mata ang pagtataka at gulat nang makita niya ang aking mukha. Makinis ang balat ng dalaga at may mahabang itim na buhok, subalit ang agad kung napansin ay ang kanyang mala-abong pares na mga mata.

"Hindi siya si A-Alleria", nakarehistro parin sa kanyang  mga mata ang gulat at pagkabigla. Kasi hindi naman talaga ako si Alleria. Kanina ko pa sinasabi sa lalakeng si Dustin umano pero ayaw maniwala.

  "Anong hindi? tyumabi ka nga jan Hasmin nang mapa----- D-Dustin I think you made a mistake", kinakabahang banggit ng lalake na may nag aalab na mga mata.

"Anong hindi siya si Alleria, look at her Eyes,. Its Gree-- ", may pagka irita nitong sabi pero napatitig ito sa akin at mas lalong nagulat.

  "H-Her Eyes, its not green but its V-Violet " , halo halong emosyon ang nakita ko sa kanila.

Patuloy parin ang pagtitig nila sa akin habang ako ay nagaantay na sa sunod ilang sasabihin.

  "I think we need to call the Headmaster right now", sabi ng binatang tinawag nilang Henley.

  "Yeah I think so, pero bakit magkamukha sila ni Alleria?" sagot ng babaeng may malaabong mga mata habang sinusuri ang aking buong katawan. Batid ko na Hasmin ang kanyang pangalan dalhin nabanggit nila ito kanina.

  "Huwag mong sabihin na siya ang------ "  sabay na sabi ni Hasmin at Henley.

  "Hindi maari ito" , walang ganang sabi ni Dustin. Pansin ko ang panghihina at takot nito na hindi ko mawari kung anong dahilan.

  "Hasmin pumunta ka na sa Academy at ipaalam ito kay headmaster. "  mautoridad na sambit ni Dustin kay Hasmin.

Binnabalak ko sanang magsalita para makaalis na ako dito subalit hinayaan ko muna silang mag usap para makapagmatyag sa kanilang ninanais na gawin saakin.

  "Soul Link" , namangha ako ng sambitin ni Hasmin ang mga katagang iyon at bigla na lamang nagbago ang kanyang anyo at naging isang asul na ibon. Lumipad agad siya papalayo at kami na lamang ang naiwan.

Ako ay manghang mangha sa nakita. Paano nila nagagawa ang ganoong mga pangyayari.

  "Kung wala naman kayong nais na gawin sa akin ay pakawalan niyo na ako."  mabuti at nailabas ko na ang kanina ko pang kinikimkim na mga kataga.

  "Will you please shut up, dito ka lang hanggang sa mapatunayan namin na hindi ikaw ang tinutukoy sa libro!! " , galit na sabi sakin ni Dustin.

Agad akong nabuhayan ng loob sapagkat sa tingin ko ay malalaman ko na kung ano at sino ako. Kailangan kong makuha ang binabanggit niyang libro. Baka malalaman ko na kung dino talaga ako.







---Xauriah

THE CURSED ABILITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon