CHAPTER 8: UNKNOWN

3 1 0
                                    

Matapos akong yakapin ni Eriz ay hinawakan niya ang aking kamay.
Ang kanyang mapupungay na mga mata ay may bahid pa ng luha.
Kung tutuusin ay maganda siya. May mahabang itim na buhok at mapupulang labi.

"Pasensya, subalit hindi kita kilala", naguluhan naman siya sa aking sinabi.

Lumapit naman sa amin si Hasmin at hinawakan ang balikat ni Eriz.
"Ah - E-eriz, hindi yan si Alleria. Siya si Xandra, siya ang nakita namin matapos ang ilang araw naming paghahanap sa pinsan mo. Pero ni Bakas niya ay wala kaming nakita. Katulad mo rin, we thought that she is Alleria. But she is not."

"Siya ang pinsan ko, siya si Alle--" napatigil sa pagsasalita nang mapagmasdan niya ang aking buong mukha.

"Bakit gumamit ka ng contact lens bruha ka? violet pa talaga ah? ano nakain mo?" panenermon niya sa akin. Ang bilis naman pala mag bago ng ugali nitong si Eriz.

"Totoong kulay yan ng mata--" pagsasalita ni Dustin pero pinutol ulit ito ni Eriz.

" Napagtripan ka ba ng mga tao dito kaya ka nagkaganyan? Ang inosente mong ugali ay tinake advantage nila? tara resbakan na natin." may bahid na pag aalala at inis niyang sabi. Hinigit niya ang kamay ko at akmang aalis na subalit sa aming paglabas ay nakasalubong namin si HM.

"Eriz. Hindi siya ang nawawala mong pinsan. Siya si Xandra. At kayong dalawa 'tinuro niya si Hasmin at Henley' Lilinisin niyo ang buong cafeteria for two days dahil sa duming ginawa niyo." mauturidad na sabi ni HM.

"Ano ba naman yan!" rereklamo pa sana si Henley pero sinamaan lang ito ng tingin ni HM kaya napalunok ito ng laway.
"Eriz, sumama ka muna sa akin sa Office. At kayong dalawa, pagkatapos ninyong maglinis ay dumeretso na kayo sa klase at isama ninyo si Xandra"

~•~

"Aray! ang sakit ng braso ko. Mabuti at natapos din" hinimas ni Henley ang kanyang braso.

"Ako kaya ang mas kawawa, ang kupad kupad mo kayang kumilos" binulyawan naman siya ni Hasmin.

Kanina pa sila nag rereklamo habang naglilinis. Samantalang pinapanuod ko lamang sila.

"Hasmin kailangan ba talaga nating pumasok sa sinasabi ninyong klase?"napatigil naman sila sa pag sasagutan nila. Kasi hindi pa kami nakakapagpalit ng damit. Kami lamang ang may ibang kasuotan dito.

mamaya ko na lamang ito poproblemahin. Hindi pa naman kami nangangamoy.
Ang mahalaga ay makita ko na si Libro.

"Oo naman Xandra. Promise masisiyahan ka dun. Mas matutunan mong gamitin iyong kapangyarihan at matutuklasan mo kung ano ka talaga." masayang sambit niya.

"Kung ganun makikita ko doon si Libro?" masayang sabi ko.

Napatulala naman silang dalawa.
Nagsalita naman si Henley.
"For the first time tumawa ka Xandra."

"Oo nga, ulitin mo nga Xandra. Bilis. Sige na!" pagmamakaawa ni Hasmin.

"Sabihin niyo muna kung andun ba si Libro?" bwelta ko.

Humalakhak naman ang dalawa sa aking tanong.

"Hindi yun sino kundi ano. Bagay yun Xandra.Pati ba naman yun hindi mo alam?" napakamot na lamang silang dalawa.
Tumango na lamang ako.

"Oh siya,halika na at nang maipapakilala na kita sa mga kaklase natin."Hawak hawak ni Hasmin ang aking kamay at tinungo namin ang silid sa pang apat na palapag.
Napakalaki talaga ng mga imprastraktura dito.

THE CURSED ABILITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon