Namangha ako sa aking nakita matapos naming pasukin ang umanong 'Library'. Napakalaki nito at may apat na palapag. Tinuro sa akin ni Dustin kung ano ang libro. Ito pala ay babasahin na may lamang kaalaman.
Nakaayos at nakahilera ang mg libro sa lalagyanan niyo.
Napakadami. Yun lamang ang aking nabanggit.
"Halika ka na dito Xandra, dito tayo sa Special Ability Section" tawag sa akin ni Henley habang hawak pa rin niya ang aking kamay.
"Kung ganun dito natin makikita ang tungkol sa akin at sa kapangyarihan ko?"tango lamang ang aking nakuhang sagot galing sa kanya.
May kinuha siyang isang malaking libro na inaalikabok na,halatang hindi na binabasa sa kalumaan nito.
Binuklat niya ang bawat pahina nito.
"Ito na yung libro na may kinalaman sa kapangyarihan nating lahat."Patuloy parin siya sa paghahanap. Pinapanuod ko lamang siya sa kanyang ginagawa.
Sa kapal nito at sa dami ng nakasulat ay parang tinatamad na ito.
"Ako na lamang ang maghanap Dustin at magpahinga ka muna."
Ngumiti naman siya sa akin at inilahad ang libro.Pagkahawak ko pa lamang nito ay may naramdaman akong mga nagsasalita sa aking isipan. Napapikit na lamang ako at nakinig na lamang.
"Fire Chosen, the fire user that has the power of a guardian. The fire user can transform into Fire Demon and can summon fire creatures. The most dangerous fire the user can make is the 'Sacred Blue Fire' that came from the gift of gods." banggit ko.
Halatang nagulat si Dustin sa aking mga sinasabi. Kahit ako ay nagulat din. Ngayon ay mas naiintindihan ko na ang mga lengwahe na ginagamit nila. Namangha ako sa nangyari sa akin.
"How did you do that? I mean paano mo nalaman samantalang hindi mo pa binabasa ang laman niyan?"takang tanong niya.
"Hindi ko alam. Pagkahawak ko pa lamang dito ay madaming impormasyon na agad ang pumasok sa akong utak." sagot ko sa kanya.
"Isa kang Fire Chosen diba Dustin?" dugtong ko."O-oo, ako nga ang Fire Chosen.' ngumiti muna siya bago magpatuloy' ambilis mo namang nalaman agad samantalagang wala pa naman akong binabanggit sa iyo, napabilib mo ako dun",pinagmamasdan niya lamang ako habang binabanggit ang mga kataga.
Ngumiti na lamang ako sa kanya.
Sa totoo niyan alam ko na ang lahat ng nilalaman ng libro na hawak ko ngayon."Kung ganun, naiintindihan mo na ang wikang Ingles at Enchantments na binabanggit namin?"
"Oo naiintindihan ko na"masayang sambit ko.
Ngumiti naman siya.
"Grabe! salamat naman. Naku ang hirap kaya magsalita ng pang 500 years ago na lenggwahe. nakakanosebleed."Nagtanong naman siya tungkol sa pinunta namin dito.
"Ano pa ang nahanap mo about sa mga kapangyarihan? nahanap mo ba ang kapareho ng kapangyarihan mo?""Wala dito sa librong ito, nakalagay lamang dito ang Major,minor at rare Ability na katulad ng sayo, kay Hasmin at Henley."
"Kung ganun alam mo na rin na chosen silang dalawa."manghang sabi niya.
Kaya naman tumango na lamang ako bilang sagot.~•~
Matapos ang aming pagpunta sa Library ay tinahak uli namin ang daan papuntang cafeteria upang maghapunan. Nakita namin na bagot na bagot si Henley at Hasmin sa kanilang pwestong kinauupuan habang ang mga estudyante ay kumakain at nagtatawanan.
Kay ganda ng cafeteria dito. Ngayon ko lamang napansin dahil sa dami ng aking iniisio. Maraming bulaklak at punong kahoy na nakatanim sa malaking banga na nakapaligid sa amin.
May ilaw na nagbibigay liwanag sa buong cafeteria na ang sabi ni Hasmin ay 'chandelier' daw. Napapalinotan ito ng dyamante.
At may parang bilog na may umaagos na tubig na sabi naman ni Henley ay 'fountain'.

BINABASA MO ANG
THE CURSED ABILITY
FantasyIsinilang ako ng walang magulang. Walang muwang, Walang alam sa mundo ng kapangyarihan. Namulat na lamang ako at naguluhan. Nalaman ang kasagutan na ang hirap paniwalaan. Digmaay hindi dapat ako mangialam. Ang sabi ay hayaan na lamang. Minsan nang...