"This can't be", iyon na lamang ang lumabas sa bibig ni Headmaster.
Matapos niyang banggitin iyon ay biglang umusok ang kanyang katawan at nag iba ang kanyang wangis.
Naging isang matikas na tao na sa tingin ko ay mga kwarenta ang edad. Nakatayo ito ng may awtoridad. Maitim ang mga mata nito na wari'y isang gabi sa dilim. Hindi maipagkakaila na ito ay makapangyarihan.
"Bakit po HM siya na ba ang matagal na nating hinahanap?" turo sa akin ni Henley.
"Huwag ka ngang epal jan Henley. Alam mo na mang seryosong matter ito." pagmamaldita sa kanya ni Hasmin.
Natauhan naman si HM at patuloy ang pagkikilatis sa akin.
"Kulay violet na mga mata.Check! Makinis at maputing balat.Check! Mapupulang labi. Check!"
"HM naman, huwag mo namang manyakin yan si Xandra my loves. Kung kailan ka tumanda, ngayon pa lumalandi", isang batok naman ang natanggap ni Henley galing kay HM.
Napatawa na lamang si Dustin at Hasmin sa inakto ng kanilang kaibigan.
Pinutol ni Dustin ang kanilang pagtatawanan at nagwika.
"Ano na po ang sa tingin ninyo HM?",
"Hindi siya ang hinahanap natin. Hindi ko nararamdaman ang kanyang kapangyarihan ni ang kanyang life force. Mahina lamang ito.Nagtataka nga ako kung may kapangyarihan ba ang babaeng ito." pagpapaliwanag ni HM.
Bago pa piagpatuloy ni HM ang kanyang sasabihin ay pinutol na ito ni Hasmin. " But nakita ko sa aking two eye ang paghigop niya ng kaluluwa ng Krakorous."
Nakikinig lamang ako sa kanila at ni isang salita ay wala akong binanggit.
"If that is true then masasabi ko na ngayon lang ako nakaenccounter ng taong may ganitong kapangyarihan. Akala ko ay gawa gawa lamang ng dating Headmaster ang ganitong uri ng kapangyarihan. Ang Soul Catcher."
"Diba ang mga nasa kabilang buhay lang ng nagtataglay ng ganoong kapangyarihan?" takang tanong ni Dustin at napakamot na lamang ito sa kanyang batok. "Alam mo ba na ganyan ang kapangyarihan mo Xandra?" dagdag pa niya.
"Pasensya, subalit ni ako ay walang kinalaman kung ano ako, kung ano ang kapangyarihan ko at kung sino ako."pagpapaliwanag ko.
"Tama ka Dustin, tinataglay ang ganitong mga kapangyarihan ng tagasundo o ang 'Soul Cypher' kaya hindi ko din alam kung ano ang makakaya nitong gawin. Kaya naman iaasa ko sa inyo ang pagbabantay sa kanya."sabi ni HM habang hinihilot ang kanyang sentido.
"Masusunod po HM" yun na lamang ang nabanggit ng tatlo at hinatak na nila ako palabas.
~•~
Kasalukuyan kaming kumakain ngayon sa tinawag nilang 'cafeteria'. Andami nilang kinuhang pagkain. Siguro ay dapat masanay na ako sapagkat sila lamang ang mapagkakatiwalaan ko sa ngayon.
"Oh My Ube cake! Namiss kita!" sabay subo ni Hasmin sa kanyang kinakain.
"Akin na yang letson na manok Henley", utos sa kanya ni Dustin.
"Oo na wait lang, hiwain ko muna ang hita, akin to ahh", sagot sa kanya ni Henley.
Pinagtitinginan kami ngayon ng mga tao dahil sa ingay ng tatlo. Kaya napailing na lamng ang mga ito.
Mabagal lang akong kuamain dahil nag iisip pa ako ng plano kung paano makuha ang binabanggit nilang 'Libro' si at ano kaya iyon.
Pero bahala na, malalaman ko rin yan. Kaya mananatili muna ako dito.
Huminto naman si Hasmin sa pagkain ng mapansin niyang malalim ang aking iniisip.
"Nga pala Xandra, papasok na tayo mamaya sa klase. Nang sa ganun ay matuto kang gamitin ang iyong kapangyarihan."
Napatango na lamang ako. Isa pa sa mga pinoproblema ko ay kung bakit may kakaiba sa amin. Nakakagawa kami ng kakaiba. Bakit may mga kapangyarihan kami? Saan ba ito nagsimula?
BINABASA MO ANG
THE CURSED ABILITY
FantasíaIsinilang ako ng walang magulang. Walang muwang, Walang alam sa mundo ng kapangyarihan. Namulat na lamang ako at naguluhan. Nalaman ang kasagutan na ang hirap paniwalaan. Digmaay hindi dapat ako mangialam. Ang sabi ay hayaan na lamang. Minsan nang...
