HS 1: Memories

2.6K 48 1
                                    

HS 1: Memories

~~~~~~~~~~~


JHOANNA POV


Ang bilis talaga ng panahon. Parang dati lang first day pa lang at hindi pa kami magkakakilala. Pero ngayon bakasyon na at iiwan na namin ang halos ilang buwan na namuhay kaming masagana sa section namin.


Ang....


HELL SECTION.....

~~

"Pano ba yan mga bes! Iwanan na." Wika ng aming Presidente. Si Princess.


"Wala naman tayong magagawa, lahat talaga natatapos." Sabi ko.

"Wala kasing forever!" Sabi ng aming VP. Si Desiree.



"TAKATAKATAK!" Sabi ng mga boys.


Ramdam ko na ang lungkot. Kahit may isang araw pa bukas. Ang daming alaala na mahirap kalimutan.

Mamimiss ko lahat.....


"MHAE!" Napatingin ako sa kanan ko. Si Kenneth lang pala. Tumabi sya sa akin, napansin nya sigurong mag-isa ako.


"Bakit?" Poker face lang ako.

"Ang bilis ng panahon noh? Mamimiss mo kaya ko?" Seryosong sabi nito. Hinihintay ko syang tumawa pero di sya natawa.


"Oo naman.... Lahat kayo..." Binigyan ko sya ng matamis na ngiti.

"Tss. Si Jhay lang naman namimiss mo eh." Natawa naman ako sa sinabi nya.

"Mas mamimiss ko pa sila Princess kaysa sa sakanya." Pabiro kong sabi.

Maya maya rin ay nag bell na.

Recess na pala.

~~

Matapos ang recess ay mabilis na lang lumipas ang oras.

Pumunta kaming lahat sa activity center.

"Bukas, wag na kayong pumasok. Since kompleto naman tayo ngayon ito na ang huling pagkikita natin. Enrolled na rin tayo para sa susunod na pasukan kaya wala na tayong p-problemahin pa. Sana lang ay magkita-kita pa tayo sa susunod. Mag enjoy kayo sa bakasyon nyo, kung ano tayo ngayon sana ganon pa rin tayo sa susunod. Ingat kayong lahat. HELL SECTION NEVER MATITIBAG!" Sabi ng aming President na si Princess. "May 30 minutes pa tayo. Any suggestions? Questions?"

Nagtinginan lang kami at mukhang walang may gustong magsalita.

"Share your unforgettable moments in our section."

Tumayo ako para mauna na sa pagshare ng unforgettable moments ko.



"Siguro ang hindi ko makakalimutan sa lahat ay yung fieldtrip kung saan tayo lang ang maingay sa bus. Kung saan lagi nating kinakanta yung theme song natin." Simple pero para sakin ay napaka memorable pa rin.



"Ako di ko makakalimutan yung mga classmate kong nanakawan ko ng ballpen at papel. Sorry talaga guys! Ako talaga yung kumukuha ng mga nawawalang ballpen nyo." Sabi ni Kim sabay tawa ng malakas.


"Di ko makakalimutan yung na love at first sight ako kay Jhoanna! Naging crush ko sya 7 months. HAHAHA!" Natawa ko sa sinabi ni Joshua.


"Ako di ko makakalimutan yung pag tali ko ng mga bag nyo kaya natatagalan kayo tuwing uwian." Jerico S. Sa totoo lang puro kalokohan na lang 'to eh. Hahahaha.

"Di ko makakalimutan yung pang aasar sakin ni Joshua ng pango." Bwisit na sabi ni Joyce.

"Kalimutan ko na lahat wag lang yung pang bibida NYO na ako ang pinaka gwapo sa section natin." Pabirong sabi ni Erwin. Ang laging trip ng klase.


"Salamat sa nag papahiram ng ballpen sakin guys! Di ko yon makakalimutan." sabi ni Marvin..

Nag share din yung iba, hanggang sa iisa na lang natitira.

"Hinding hindi ko makakalimutan kung ilang beses akong pinahiya ni Mrs.Reyes."

~~~~~~~~~~~

HELL SECTIONWhere stories live. Discover now