HS 6: KILLER

586 20 0
                                    

HS 6: KILLER

~~

JHOANNA POV

Kinabukasan, akala ko wala ng papasok dahil sa mga nangyari pero laking gulat ko ng lahat pa rin kami ay pumasok.

Nakakakilabot!

Nadatnan ko sa corridor si Kenneth na galit na galit at inaawat sya ni Japhet at Jhay.

Tumakbo ako palapit sa kanila.

"Anong nangyari?" Nagulat ako ng may humila sa akin palayo. Si Miles.

"Shhh! Wag ka ng makialam sa kanila." Sabi nya sa akin.

"Pero ano nga? Bakit?" Naguguluhan kong tanong.

"Hinihintay ni Kenneth si Anna. Kanina pa sya nagwawala." Mas lalo akong naguluhan sa mga sinabi nya.

"H--ha?" Sabi ko.

"Ewan. Ayokong mangialam. Hayaan na natin sila." Sabi nya at umalis na.

Bumalik ako sa room at saktong parating na si Anna.

Nagulat ako ng biglang hawakan ni Kenneth ng mahigpit ang braso ni Anna. Halatang gulat na gulat sya. Si Kenneth naman ay pinagpapawisan na sa galit.

"K--Kenneth! A--ano ba?! Bitawan mo nga ko!!" Sigaw na sabi nito. Bahagyang tutulo na ang kanyang luha.

"PINATAY MO SI GLYDEL!"

Nagulat ang lahat sa sinabi ni Kenneth.

Pinatay ni Anna si Glydel?

"Ano ba yang sinasabi mo? Nababaliw ka na ba? Hindi ako mamamatay tao! Bitawan mo ko!!" Mas lalo pang humigpit ang hawak ni Kenneth sa braso ni Anna. "Nasasaktan ako!!!" Napansin kong may tumulo ng luha sa kanya.

Ayaw magpaawat ni Kenneth.

"Kenneth ano ba?! Wala kong alam. Di ko pinatay si Glydel!" Umiiyak na sabi ni Anna.

Gusto kong umiyak.

Ano ba talagang nangyayari?

Binitawan na ni Kenneth si Anna. Natumba sya at iyak ng iyak.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Tumakbo paalis si Kenneth. Susundan ko sana sya pero pinigilan ako ni Joshua.

"Hayaan mo muna si Kenneth."

~~

Buong araw tulala ang iba. Si Kenneth di na pumasok, tahimik lang kami at parang di magkakakilala.


Ang tamlay ng room.

Ang laki ng nagbago.

Sobrang nakakapanibago.

"Gusto ko ng mag transfer sa America. Huhuhuhu!" Iyak ng iyak si Lyka.


"Edi text mo mama mo." Sabi ni Edrish.




"Gusto ko ng umuwi. Ayoko na dito!" Dagdag pa ni Lyka.




"Pwede ka naman umalis dito eh." Pang aasar ni Princess.


Bumalik na kaya ang dating Princess?

~~~

Uwian na at sabay sabay kaming umuwi.

"Yung cleaners!" Paalala ni Desiree.

"Paano kung may mamatay na naman?" Takot na sabi ni Arra.

HELL SECTIONWhere stories live. Discover now