EPILOGUE

942 38 5
                                    

EPILOGUE

Jhoanna Pov

Dalawang taon na ang nakalipas simula ng mangyari ang lahat. Pero sa tuwing naaalala ko mga pangyayaring yon ay hindi ko pa rin makontrol ang mga luha ko.


Sariwa pa rin sa isip ko.


[Flashback]

Nang idilat ko ang mga mata ko. Hindi ko alam kung nasaan ako.

Nasa ospital na ba ako?

Nasaan na sila?

Ligtas ba sila?


"Nasaan po yung mga kasama ko?" Tanong ko sa nurse.

"Kasama? Mag-isa lang po kayong sinugod sa ospital."

"Hindi. May kasama ako. Lima kami. Lima kaming makakasama. Paanong wala akong kasama? Baka hindi mo lang nakita." Umiiyak kong sabi.

"Ma'am naka nanaginip lang kayo. Mag-isa lang kayong sinugod dito sa ospital. Walang nauna at sumunod sa inyo. Sigurado po ako doon."


"Hindi yan totoo! Ang tanga mo naman! Lima kami! Lima!!"

"Pasensya na po. Pero maniwala kayo sa akin. Wala kayong kasamang sinugod dito."

[END OF FLASHBACK]


Nasaan na kaya sila?


Wala na akong balita sa kanilang apat.


Kung nasaan man sila sana masaya sila.



Nakakainis na di manlang nila naisip na may iniwan sila.


Ang hirap paniwalaan na ako lang ang nakaligtas matapos ang pangyayaring yon.


Sinabi ko na rin pala sa parents ko lahat, nagreklamo sila laban sa School kaya simula non ay hindi na rin active ang school na yon.


Nakulong na ang may-ari ng School maging ang principal. Kasalukuyan pa ring inaasikaso ang sa mga teachers dahil sa pakikiisa na pagtago ng ganong sitwasyon. Kasama na rin ang pananakot sa mga bata na wag sabihin sa mga magulang nila.



Kamusta na kaya sila?



Magkakasama kaya silang lahat?



Andito na pala ako. Sa sementeryo. Magkakatabi ang puntod nilang lahat. Pero wala rito ang puntod ni Jhay, Christine, Marivic, Kenneth at Miles.


Hindi ko alam kung magkakasama pa ba sila.


Hinahanap na rin sila ng pulis. Umaasa akong makikita sila pero wala eh.



Pero kahit ganon, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa.



Alam kong babalik sila.



"Miss mo ko?" Napalingon ako sa likod ko.


Totoo ba 'tong nakikita ko?


B--bakit?


"Buhay kami." Masiglang sabi ni Marivic.


Hindi ko maiwasang umiyak. Tears of joy.



Niyakap nila ako.



Paanong?



"A--anong nangyari?"

~~

"Si Angelo ang bumaril sa amin. Bago ako matumba nakita kong pinokpok ka ni Angelo sa ulo na ikinawala mo ng malay. Kinulong kami sa isang kwarto at magkakasama kami roon. Nakakadena kami at sa oras na gumalaw kami ay tutunog kung saan simbolo na nakatakas kami. Ilang oras kaming nagtiis. Walang gumagalaw. Pero may napagtanto ako, palabas nya lang ang lahat. Kahit delikado ay sinubukan ko pa rin. Gumalaw ako pero walang tunog ang lumabas. Hinang hina kami dahil lahat kami ay sinaktan nya. Nangako ako sa kanila Tin na babalik ako para iligtas sila. Dahil hindi ako makatayo ay gumapang na lang ako papunta sa kwarto kung nasaan ka. Nakita ko ang katawan ni Angelo at tadtad ng saksak. Walanh ulo, kinuha ko ang baril na hawak nya at dumiretso na sa inyo. Nang makarating ako ay di na ako nagdalawang isip na barilin si Miles. Tapos.... Nawalan na rin ako ng malay." Paliwanag ni Jhay.



"Anong sunod na nangyari?" Tanong ko.


"Narinig namin ang putok ng baril kaya kinabahan kami. Inakala naming patay ka na o si Jhay pero nagkamali kami. Biglang pumasok sa kwarto namin si Japhet at kasama ang katawan ni Jhay at Miles. Oo, buhay si Japhet. Pero may saksak sya sa binti. Pumunta sya dito para iligtas tayo. May mga kasama syang pulis at agad kang isinugod sa ospital." Sabi ni Christine.


"Kayo? Anong nangyari sa inyo?"


"Dinala rin kami sa ospital, pero ibang ospital. Nang makarating kami doon ay mukhang hindi na rin kinaya ni Japhet kaya namatay na rin sya. Lahat kami ay nawalan ng malay. Akala nga namin ay mamamatay na si Jhay dahil halos isang taon syang di nagising. Pero isang araw nagising sya. Ikaw ang una nyang hinanap. Lumabas kami ng ospital para magpahinga at makalimot." Sabi ni Marivic.



"Pero bakit iniwan nyo ko?" Naguguluhan ako. Bakit ang sakit sa ulo paniwalaan ng lahat.



"Nalaman namin na nagreport ka sa mga pulis. Napagisipan naming wag munang magpakita, gusto naming makalimot ka. Gusto naming hindi ka namin kasama. Kampante kami na magulang mo ang kasama mo." Sabi ni Kenneth.


"Alam na ba 'to ng mga magulang nyo?"



"Yes!" Marivic.


"So talagang tinaguan nyo ko? Sa loob ng dalawang taon? Alam nyo ba kung gaano kahirap kalimutan ang lahat? Naisip ko na nga ring magpakamatay eh. Kasi akala ko patay na kayo. Iniwan nyo ko." Umiiyak kong sabi.



"Malalim naman yung dahilan namin, para sayo rin 'to." Sabi ni Jhay.


Lumapit ako sa kanya at sinusuntok ko ang dibdib nya.


"Nakakainis ka! Nakakainis kayo!" Umiiyak kong sabi.



Bigla kong naalala si Miles.


Nasaan na ba sya?



"Si Miles? Nasaan?"



"Sumaimpyerno nawa ang kanyang kaluluwa. Pinili ng magulang nya na wag na maglabas ng statement." Pabirong sabi ni Kenneth.



Nagtawanan naman kaming lahat.


Nandito kami ngayon sa puntod ng mga kaklase namin.


Pakiramdam ko ay kumpleto pa rin kami.


Ano man ang napagdaanan namin.


May nawala man at dumating...



Kami at kami pa rin ang....





Hell Section.















END.

~~

HELL SECTIONWhere stories live. Discover now