HS 9: Bye bye

540 19 1
                                    

HS 9: Bye bye

JHOANNA POV

"Okay ka na ba?" Tanong ni Lyka.

"Himala ata at kinausap mo ko." Nakangiting sabi ko.

At oo, okay na ako. Wala pa rin talaga kong matandaan. Dalawang araw na ang nakalipas pero sariwa pa rin lahat.

"Concern na nga eh." Maarte nitong sabi.

"Natatakot ka bang mamatay?" Napansin kong yumuko sya. Precisely! Bakas sa mukha nya ang takot. "Hello? Ano bang akala mo sakin ako ang killer?"

"Hindi sakin nanggaling yan. Baka nga, ikaw!" Sabi nito at tinaasan ako ng kilay.

Oo, may kaunting galit ako sa pabebeng 'to.

Simula nang dumating sya pakiramdam ko nagbago lahat. Ako ang bunso sa classroom, pero ngayon sya na. Nakakainis lang na kahit simpleng bagay lang 'yon ay inagaw nya pa.

Well, di naman ako immature para patulan pa sya.

"Sana nga ako na lang killer..." Pang aasar ko sa kanya. "Para kayang kaya kitang patayin, kahit ngayon mismo."

~~

LYKA POV

"BAKIT? GINUSTO KO BANG AGAWIN YUNG PAGIGING BUNSO NYA?! NAPAKA TANGA NYA NAMAN! KASALANAN KO BANG MAS MATANDA SYA NG BUWAN?!"

"AKALA MO KUNG SINO! NANANAKOT PA SYA AH! PWES DI AKO NATATAKOT SA KANYA!! KUNG SYA NGA TALAGA NG KILLER! LALABANAN KO SYA!"

"SABAY KONG IPAPAKAIN SA KANYA YUNG KORONA NYA! NAPAKA OA!"

"NAKAKAINIS!!"

Ano ba yan?! Bakit walang pumapansin sa akin dito. Kanina pa ko dito eh. Hustisya naman.

"Hay nako Lyka! Itigil mo yan." Natatawang sabi ni Marivic.

"SHUT UP!" Sigaw ko.

Akala mo kung sinong maganda! Isa rin namang demonyo.

Lahat ng andito, demonyo.

Mga demonyo!

"Magbunganga ka ngayon sa harap ko."

~~

JHOANNA POV

"BAKIT? GINUSTO KO BANG AGAWIN YUNG PAGIGING BUNSO NYA?! NAPAKA TANGA NYA NAMAN! KASALANAN KO BANG MAS MATANDA SYA NG BUWAN?!"

"AKALA MO KUNG SINO! NANANAKOT PA SYA AH! PWES DI AKO NATATAKOT SA KANYA!! KUNG SYA NGA TALAGA NG KILLER! LALABANAN KO SYA!"

"SABAY KONG IPAPAKAIN SA KANYA YUNG KORONA NYA! NAPAKA OA!"

"NAKAKAINIS!!"

Nandito pa lang ako sa corridor. Rinig ko na ang mga ingay na 'yon. At alam ko nagmula yon sa Hell Section.

Binilisan ko ang pag-lalakad.

Naabutan ko sa harap si Lyka.

"Magbunganga ka ngayon sa harap ko." Taas kilay kong sabi.

Natahimik naman sya at tinaasan rin ako ng kilay.

Nakatayo ako sa pinto at sya naman ay sa harap.

"Alam kong narinig mo yon, kaya bakit ko pa uulitin?" Taas kilay nitong sabi.

Humakbang ako palapit. "Magaling ka lang naman pag wala yung kinakalaban mo eh." Bahagyang napa atras naman sya sa bawat hakbang ko.

HELL SECTIONWhere stories live. Discover now