HS 4: Again

767 24 0
                                    

HS 4: Again




JHOANNA POV




Matapos ang 30 minutes na pagpapahinga ko sa clinic ay nagpasama na ko kay Miles na bumalik ng room.



Pagdating ko mga seryoso sila. May meeting ba? Tumabi ako sa kanila. Nagsasalita sa harap si Dessiree.


"Kailangan nating mag-ingat. Hindi pa nahuhuli ang suspect. Doble ingat sa loob at labas ng paaralan. Pumasok kayong lahat bukas may test tayo. Kinausap na rin pala ko ng principal. Kung pwedeng wag ipagsabi sa kahit kanino yung nangyari kay Mrs.Reyes, ayon sa pamilya nito. Cleaners! Maiwan. Pwede na kayong umuwi." Magsisilabasan na silang lahat nang kong magsalita.




Napansin ko kasing tahimik si Princess. Sana lang bumalik na sya sa dati.



"Ngayong patay na si Mrs.Reyes, sana patayin na rin natin lahat ng ala alang nabuo natin kasama sya." Sabi ko. Nagbulungan naman sila, pero muling natahimik.


"Kailanma'y hindi mamamatay ang Hell Section."  Princess



~~


PATRICK POV



Ang weird. Sobrang weird ng section na 'to. Pag nasa labas ko. I feel normal, na parang walang kaguluhan pero pag nasa loob na ako ng room. Hindi ko na alam ang gagawin at parang napakalaki ng kakaiba sa Earth.


"Patrick!" Nagulat ako sa misteyosang tumawag sa akin. Di  ko sya kilala at majuba sya. "Bumalik na daw sa room. Tapos na ang recess." Ah oo. She's my classmate. Di ko lang alam kung ano name nya. Bago pa lang ako at para sakin magkakamukha silang lahat.



Pagdating ko ng room ay nakaupo silang lahat. Pinagtataka ko lang, hell section sila pero ang babait naman nila. Wala akong nakitang may masamang pag-uugali sa kanila. Maliban na lang doon kay Miles. Napaka weird nya at nakakatakot ang mukha nya. Para syang multo. Charot.



"Nagtataka ka ba kung hell section ang tawag sa kanila?" Nagulat ako nagsaita. I don't know her, she's not familiar. Hindi ko sya kaklase. She's not from Hell Section.


"Hindi naman. Slight." Sino ba sya? Para syang Killer na biglang susulpot at papatayin ako eh. Hays!



"Well, kahit ako. Matagal na kong nagtataka kung paano sila naging Hell Section. Lagi na silang tsismis dati noon pa lang. Wala namang nagsasabi at im sure sila lang din ang nakakaalam." Ngumiti sya. Ngiting nakakatakot.


"A-ah! Okay beh!" Ngumiti ak ng peke. "Sige una na ko, tapos na kasi yung break." Umalis na ako at dumiretso sa room.


Makalipas ang limang minuto ay nakita kong pumasok yung kausap ko kaninang babae. Who the hell is she? Sinusundan nya ba ko? Kinikilabutan ako sa nangyayari. So weird.


"Oo nga pala class, may bago na naman kayong classmate. Come here guys!" Sabi ng Science teacher namin.


"Hi. My name is Kelly Rose Sinia. Nice to meet you all."



"Ako po si Edrish Pamba!"


"Christine Santos po."



"Im Expenser Aguilon."



"Lyka Mae Fercillo."


Ah. Sya pala si Lyka Mae Fercillo.


~~

JHOANNA POV




Haaaay! Nakakainis naman at inutusan pa ko ng teaher. Late na ko. Nagmamadali akong bumalik sa room at nadatnan kong may lima na nakatayo sa harap.



"Take your seat. Doon na kayo sa likod maupo." Sabi ng Science teacher namin.



Ano 'to? May bago na namanag transferee? May bago na naman sa Hell Section.



Umupo na ako sa upuan ko. Sa likod umuupo dahil ayoko ng may katabi ako. May tig isang bakante na upuan sa kaliwa't kanan ko. Kung saan yung kanan ay lagayan ng bag ko at sa kaliwa naman ay lagayan ng mga gamit ko pag tinatamad akong maglagay sa bag.



"Ma'am! Wala na silang upuan." Sabi ng kaklase naming si Jerico G. Dalawa kasi ang Jerico sa room.



"Okay so, Christine and Lyka.... Okay! Jhoanna alisin mo muna 'yang mga gamit mo. Dito na kayo maupo mga ija." Agad ko namang inalis ang mga gamit ko.



"Ma'am di pwede!" Nagulat ako sa nagsabi non. Inikot ko ang pangingin ko pero di ko nahanap kung sino kaya pinagpatuloy ko na lang ang pag aayos ng gamit ko para makaupo na rin yung dalawa.




"At bakit?" Nakangiting tanong ni Ms.Science



"Reyna kasi yan Ma'am." Sabi ni Jhay. Nagsigawan sila kaya naman nakaramdam ako ng hiya.



"Bunso yan dito Ma'am. Sya baby namin." Sabi ni Jerico Son. Yung isang Jerico.


"But she does'nt baby anymore." Natatawang sabi ni Ma'am.



Umupo na rin yung dalawa sa tabi ko.



"Para samin Ma'am!" Sabi ni Chezka.



At oo. Ako nga ang reyna dito. Ako ang bunso at nasusunod ang gusto ko. Pero never lumaki ang ulo ko at di ko naman pinagtutuonan ng pansin yung ganyang bagay. Kahit di nila sabihin, ramdam kong tinatrato nila ko ng maayos at kontento na ako doon.




"Alam nyo class, natutuwa ako sa section na 'to."



Nagkaroon ng katahamikan.



"Ramdam ko na totoo ang pakisasama nyo sa isa't-isa. Isang malaking halimbawa na yung pagkokopyahan nyo ng pre-test kahapon sa science. Pangalawa, ang pagtrato ng reyna kay Jhoanna. Nakikita ko sa mga mata nyo na walang nainggit sa kanya. Na walang gustong maging katulad nya. Im so proud of you guys! Kahit pa kayo ang Hell Section. Anghel rin naman pala lahat ng nandito sa klase nyo. Keep it up guys!"

Gumaan ang loob ko sa sinabi ni Ma'am. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag pinupuri kayo sa magandang paraan. Ang sarap pakinggan.

"Jhoanna? May tanong lang ako." Tumingin ang lahat sa akin.

"Yes Ma'am?" Sabi ko.


"Paano kung may umagaw sa pagiging reyna mo?" Natigilan ako.


Di na yon mangyayari. Ako lang ang Reyna. Hindi ko kailangan ng totoong korona, pakikisama lang para sa akin ay pakiramdam ko isa na kong Reyna.


"T-ara is always mine. Nakakabit na po sya sa ulo ko kahit di nyo nakikita." Nakangiting sabi ko.


"What if matanggal? What if kunin ni Lyka?" Nagtinginan ang lahat sa aming dalawa. Bakit si Lyka ang kailangan halimbawa?



"Papatayin ko sya."

~~


CHRISTINE POV

Nakaramdam ako ng takot sa sinabi ng katabi ko. Si Jhoanna Mhae. Papatayin? Nagpapatawa ba sya?




"HAHAHAHA! Im just kidding! Lyka and Jhoanna. Wag seryosohin." Sabi ng teacher namin.




"Im not kidding." Jhoanna



~~

HELL SECTIONWhere stories live. Discover now