HS 13: Brake

556 16 0
                                    

HS 13: Brake

Jhoanna Pov




Nang magising ako ay ang tahimik ng paligid.

Agad akong bumangon at lumabas ng tent.

Maliwanag na pala. Ang taas ng sikat ng araw.

Ano bang nangyari?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nag flashback sa utak ko yung mga nangyari.

Bigla kong naalala si Joshua.

Panaginip lang siguro ang lahat.

"Gising ka na pala?" Paglingon ko ay nakita ko si Angelo.

"Di ba halata?" Pabirong sabi ko.

"Tss! Ang cute mo." Ginulo nya yung buhok ko.

"Errrr! Binuhol mo lang eh." Mataray kong sabi.

Lumapit sya sa akin at inayos yung buhok ko.

Nagulat ako sa humila sa kamay ko palayo kay Angelo.


Si Jhay.

"Tara na." Sabi nya sakin at tuluyan na kong nilayo kay Angelo. Pilit kong nilingon si Angelo pero pinipigilan ako ni Jhay.

Habang naglalakad kami ang tahimik nya.

"Nag seselos ka?" Tanong ko. Pero di nya ko sinagot. "Tsk. Inaayos nya lang yung buhok ko kasi ginulo nya." Naka pout kong sabi.

"Kahit na. Ayokong may ibang gumagawa sayo non maliban sakin." Seryoso nyang sabi. Tinulak nya ko palayo pero mahina lang. "Maligo ka na nga, kadiri ka! Hinawakan ng ibang lalaki yung buhok mo." Sabi nya at binilisan ang paglalakad.

"HOY!" Sigaw ko. Tumakbo ako para habulin sya pero natapilok ako. "Aray!" Natumba ako.

Nagulat na lang ng nasa harapan ko na si Jhay.

"Di ka kasi nag-iingat. Ipapasan na lang kita." Sabi nya.

"Akala ko ba kadiri na ko?"

"Joke lang." Sabi nya at tumawa ng malakas na ikinainis ko naman.

Total hindi naman masakit yung pagkatapilok ko kaya tumayo na rin ako at sabay kaming naglakad ni Jhay.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

"Basta, kakain tayo. Oh, ayon na pala sila." Tinuro nya yung mga kaklase namin.

Nang makarating kami ay napansin ko si Princess na tulala. Naalala nya kaya yung sa parents nya?

"Cess! Kain na!" Tawag ni Desiree kay Princess. "Wag mo munang isipin si Joshua, okay?"

Tumingin ako sa paligid.

Wala si Joshua.

Yung nangyari kagabi, hindi sya panaginip. Totoo? Totoo yung nakita ko.

"N--nakita ko si Joshua." Napatingin silang lahat sakin.

"Ha? Saan? Kailan?!" Tanong ni Princess.

"Y--yung nangyari ba kagabi h--hindi panaginip?" Naiiyak kong tanong.

"Totoo lahat yon Mhae." Sabi ni Marvin.

Naramdaman kong pumatak ang mga luha ko.

Nagmadali akong tumakbo.

"MHAE?!"

HELL SECTIONWhere stories live. Discover now