HS 12: Joshua or Jhoanna?

551 17 0
                                    

HS 12: Tripple

Jhoanna Pov

Matapos ang paglalaro ay kumain na kaming lahat. 9pm na at oras na para matulog.

Pumasok na ang iba sa kanilang tent, ako naman andito pa rin sa labas. Nag iisip isip. Sino nga ba samin ang killer?

"Bakit di ka pa natutulog? Maaga pa tayo bukas." Sabi ni Jhay.

"Wala. Nag papahangin lang ako." Sabi ko. Tumayo na ako at pumasok sa tent. Sa tent naming dalawa ni Jhay.

15 minutes siguro at hindi pa rin ako makatulog. Naramdaman kong may tao na pumasok sa loob ng tent.

Didilat ba ako o magpapanggap na tulog?

"Tulog ka na ba?" Tanong nya. Ni Jhay.

Hindi ako umiimik.

"Nakakapangsisi na pinakawalan pa kita noh? Dati patay na patay sa akin. Mahal na mahal mo ko. Pero ngayon? Parang wala na lang sayo. Bakit kasi hindi kita hinintay? Nangako pa naman ako sa sarili ko na hihintayin kita. Pero di ko natupad. Sana lang maibalik ko pa yung dati."

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

"Mhae.... Mahal na mahal kita....."

~~

Nagising ako sa isang kalabog. Tinignan ko ang phone ko, 1:45 am na pala.

Hindi ko na lang pinansin dahil inaantok pa rin naman ako.

Maya maya pa ay may isang kalabog na naman.

Hind ko alam kung bakit pero nagkusa ang katawan ko na bumangon.

Tulog na tulog si Jhay kaya dahan dahan akong lumabas ng tent.

Walang tao. Tulog ang lahat. Tanging hangin lang ang maririnig mo. Sa di kalayuan ay may natanaw akong isang.....

Tao

Medyo malayo kaya hindi ko maklaro. Nagfocus ako kung tao nga ba talaga ang nakita ko.

Hindi ako nagkamali.

Isang taong nakahiga na para bang hinihila.

Tinignan ko ulit ng maayos. Papunta ang taong yon sa bangin.

Nagkusa ang mga paa ko na tumakbo papunta sa taong yon.

Habang palapit ako kay maa bumibilis ang paghila sa kanya. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo.

Nang medyo malapit na ko, isang pamilyar na suot ang nakita ko.

Naka yellow t-shirt, naka pants na itim at puting sapatos.

"JOSHUA?!" Nagmadali akong tumakbo.

Sa pagmamadali ko, hindi ko na napansin na nasa dulo na ako ng bangin......

"MHAEEEEEEE!"

~~

Jhay Pov

Nagising ako dahil may narinig akong sumitsit. Para bang ginising ako.


Napansin kong wala si Mhae

Akala ko nananaginip lang ako pero totoong wala sya.

Nagmadali akong lumbas ng tent.

Walang tao.

Parang may kakaiba. Kinakabahan ako.

Kinatok ko ang tent ng bawat isa.

"Gumising kayo! Nawawala si Mhae!!" Sabi ko habang kinakatok ang tent nila.

HELL SECTIONWhere stories live. Discover now