HS 11: Game

536 20 1
                                    

HS 11: Game

Jhoanna Pov


"Mag sigising na kayo. Nandito na daw tayo sa Antipolo." Nagising ako sigaw ni Emerald.

Oo nga. Nandito na kami. Ang ganda pero ang daming puno at masyadong liblib ang lugar.


Bumaba na kami dala ang mga gamit.

"Hapon na at mas mabuting bukas na lang natin akyatin ang bundok. Ilatag nyo na ang mga tent nyo." Sabi ng teacher sa kabilang section.

"Ma'am? Pwedeng sa bus matulog?" Tanong ni Arra.

"At bakit? Anong purpose ng tent kung sa bus rin lang naman kayo matutulog." Taas kilay na sabi ng guro. "Mas komportable kung sa tent kayo hindi ba? Dahil mas makakahiya kayo ng maayos unlike sa bus na nakaupo lang kayo magdamag." Ngumiti sya at nawala ang taas kilay nya.


"Oo nga Arra." Sabi ni Ronnielyn.

"Mag latag na kayo habang maliwanag pa. Kayo na rin ang bahala sa kakainin nyo." Sabi ni Ma'am at umalis na. Para na rin siguro mag announce pa sa ibang section.

Naglatag na kami ng tent. Kulang ang tent kaya share share daw?

"Kung sino ang katabi nyo kanina sa bus. Yon na lang din ang isama nyo sa loob ng tent." Sabi ni Desiree.

"Eh ako? Pano ako? Katabi ko si Joshua?" Natatawang tanong ko.

"Hindi." Sagot ni Jhay.

"Josh! Kayo na lang ni Kenneth mag tabi. Ako na lang tatabi kay Mhae." Sabi ni Jhay.

Bakit?

Ano bang ginagawa nya?


Nababaliw na ba sya?


"Miles and Ronnielyn. Kayo nalang ang magsama para tapos na." Dagdag pa ni Desiree.

"Oh ayos ayos na!" Sabi ni Rogelyn habang inaayos ang tent nila ni Coleen.



"Yung mga ibang walang ginagawa, magluto na kayo habang inaayos namin 'tong mga tent." Sabi ni Kelly.



"Ako na lang magluluto." Sabi ni Edrish.


30 minutes ang nakalipas at tapos na ang lahat. Tapos na rin ang pagluluto.


"Kakain na ba tayo?" Tanong ni Jerico G.

"Mukha kang pagkain." Sabi ni Marvin.


"Maglaro muna tayo." Nakangiting sabi ko.



"Anong oras na ba? 7:00pm na rin. Sige maglaro muna tayo." Masiglang sabi ni Princess.


"Anong laro ba?" Tanong ni Miles.


"Truth or dare?" Suggest ni Desiree.



"Corny naman!" Sabi ni Anna.



"Spin the bottle na lang." Sabi ni Christine.


"Tapos?" Jerich



"Kung kanino tumapat 'tong bibig ng bote sya yung sasagot. Yung nasa dulo yung magpapagawa ng kahit ano. Truth or dare, pwedeng tanong. Basta kahit ano." Sabi ni Patrick.


"Game?" Nakangiting sabi ni Angel.

"GAME!" Sabay sabay naming sabi.


HELL SECTIONWhere stories live. Discover now