HS 5: BYE

666 25 0
                                    

HS 5: BYE

GLYDEL POV


Kailangan kong mag-paiwan ngayon dahil cleaner ako.



"Cleaners! Maiwan kayo." Sabi ni Princess.



Naiwan kaming Anim nila, Anna, Kenneth, Jhay, Coleen at Angeline.



"Ang kalat naman! Demonyo talaga mga tao dito." Pabirong sabi ni Anna.



"Hoy Anna. Tumigil ka nga!" Saway sa kanya ni Angeline.





"Tss! Bakit natatakot kayo? Di naman yon totoo." Sabi ni Coleen.



"Totoo ang demonyo, at tayo yon." Sabi ni Anna.



"Baka ikaw lang." Sabi ni Kenneth.


"Kung isa kong demonyo, papatayin ko kayo isa isa noh?" Sabi ni Anna.



"Kaya mo ba pumatay?" Sabi ni Jhay



"Oo. Saksakin lang kita sa dibdib, patay ka na eh." Sabi ni Anna.


"Hindi ba kayo natatakot? Madilim na kaya. Tayo na lang ang nandito sa building natin oh. Bilisan nyo na para makauwi na tayo." Sabi ni Angeline.



"Ang taba taba mo natatakot ka?" Pabirong sabi ni Jhay.



"Ano kayang laman ng katawan mo Angeline? HAHAHAHA!" Sabi ni Kenneth.


"Tao." Seyoso nitong sabi.







Nakaramdam ako ng takot.


"Tigilan nyo na nga yan. Bilisan na natin." Sabi ko.


15 minutes ang lumipas at tapos na kami sa paglilinis.



"Una na kami ah. Tara na Anna, Angeline." Sabi ni Coleen at umalis na sila.



"Di ka pa uuwi Gly?" Tanong ni Jhay.



"Lolock ko na lang yung pinto tas bababa na rin ako." Sabi ko.



"Hintayin ka na namin." Sabi ni Kenneth.



"Nako hindi na!" Kinakapa ko yung susi sa bulsa ko pero mukhang nalaglag ko pa ata. "Haaaay! Nawawala yung susi."


"Alam ko inabot mo yon kanina kay Coleen eh." Sabi ni Kenneth.


"Ay oo nga pala! Habulin nyo dali. Di pa nakakalayo yon." Sabi ko at tumakbo na silang dalawa para habulin yung tatlo.




Limang minuto na ang nakalipas at wala pa rin sila. Ang tagal ah. Nakakainip.



Pinagmamasdan ko yung door knob kung kaya ko ba 'tong ilock ng walang susi. Hehehe! Anong oras na kasi malamang hinahanap na nila ko sa bahay.






Naramdaman kong may tao sa likod ko. Anjan na yata sila Kenneth.



"Akin na yung susi. Ang tagal nyo naman!" Nakaharap pa rin ako sa door knob at hinhintay na iabot sa akin ng susi. Pero walang umaabot nito. "Kenneth! Akin na!" Sabi ko.



Humarap ako. Nagulat ako sa nakita ko.


"Bakit di ka pa umuuwi? Tsaka anong ginagawa mo dito? Kanina pa kayo umuwi diba?" Tanong ko sa kanya.


HELL SECTIONWhere stories live. Discover now