HS 7: Jhoanna?

598 19 4
                                    

HS 7: Jhoanna?



JHOANNA POV

Sunod sunod na yung mga pangyayari kaya imposibleng di 'to lahat sinandya. Pinlano 'to. Pero kung ganon nga, ano ang dahilan?

"Hindi ka ba nag tataka sa sinabi ni Joyce kahapon?" Sabi ni Jhay.

Ako ba talaga kinakausap nya?

Oo Mhae, ikaw!

"H--ha?" Sobrang weird pala talaga kapag kinakausap nya pa rin ako.
.

"Hatdog!!! HAHAHAHA!" Ginulo nya yung buhok ko.

"Ayusin mo 'to!" Pikon kong sabi.

"Ayoko nga!" Kinuha nya pa yung panyo sa desk ko at tumakbo palabas ng room.

Ako naman 'to sa habol sa kanya.

Bwisit sya!

"HOY! AKIN NA YAN!" Sigaw ko habang hinahabol sya.

Parang tanga na kong tumatakbo dito sa hallway.

Pumunta sya sa lumang building. Sa abandonadong building.

"JHAY AKIN NA YAN!" Ang layo nya na sa akin at pagod na kong habulin sya.

B W I S I T !

"HOY! SAAN KA PUPUNTA?"

Sabi ko at tumakbo na naman sya palayo.

"JHAY! DI NA KO NAKIKIPAG BIRUAN AH!"

Hingal na hingal na ako. Ano ba kasing trip nya?! Nakakainis naman!

Napagpasyhan kong bumalik na lang sa room. Hays!

*********
BLACK! YAN ANG NAKIKITA KO NGAYON.

~~

JHAY POV

Ang sarap nyang asarin dahil ang bilis nyang mapikon. Wala pa rin talaga syang pinagbago.

Bumalik na ako sa room.

Pagdating ko doon,

Wala pa sya.

Si Mhae.

"Wala pa si Mhae, Neth?" Tanong ko kay Kenneth.

"Diba mag-kasama kayo?"

"Hindi pa ba sya dumadating mula kanina?" Tanong ko. Parang may kakaiba.

"Hindi pa."

Nag simula na kong magpanic. Lumabas ako ng room kahit anjan na yung teacher namin.

I don't care.

Hindi ko hahayaang masaktan sya.

Hinding hindi.

Nag mamadali akong pumunta sa abandonadong building.

"MHAE?! MHAE ASAN KA? NARIRINIG MO BA KO?"

Walang sumasagot.

Naglakad pa rin ako ng naglakad.

15 minutes na pero di ko pa rin sya nakikita.

Habang nadadagdagan ang oras, lalo akong kinakabahan.

"MHAEEEEEEE!"

~~

Bumalik ako sa room para ipaalam na nawawala si Mhae. Nakipag cooperate sila at tinulungan ako mag hanap.

Makalipas ang isang oras na pag hahanap. Wala pa rin kaming nakikita.

HELL SECTIONWhere stories live. Discover now