Chapter 4

1.2K 38 4
                                    

Thanks to CommanderFluffy for the book cover, pasensya na kung natagalan ang pagdedicate. Hahaha! Actually, nagamit ko na yung book cover na ginawa mo. So, nilagay ko na lang siya sa multimedia section. :)

* * *

Chapter 4: First day of work

Nandito ako ngayon kina Lotte, sabi niya sa akin ngayon na niya sasabihin yung trabaho ko. Buti naman magkakaroon na rin ako ng mga pang-gastos sa anak ko. Mabibigay ko na rin ang gusto niya galing sa pinaghirapan ko. Masarap siguro sa pakiramdam yung ganon ano? Hmm..

"Ikukuha lang kita ng juice Lay." akmang pupunta na siya sa kitchen, pero pinigilan ko.

"H'wag na. Okay lang kahit wala ng juice." Yung trabaho naman ang ipinunta ko eh.

"Ikaw bahala. Sabi mo eh. So ito na yung magiging trabaho mo..." argh! Kaasar naman si Lotte eh. Pa-intense pa.

Nag-iintay ako ng suunod niyang sabihin pero wala. This girl is getting into my nerves!

Nahalata niya siguro na medyo naiinis na ako. Hindi na kasi maipinta ang pagmumukha ko. Haha! Madali kasi akong mainis kaya ganon.

"Ano na? Kainis naman eh. Ang hilig mong mambitin." the I rolled my eyes. Napahagikhik naman siya.

"Eto na nga oh, sasabihin na. Ang atat mo naman masyado."

"Hindi pa kasi diretsahin. Pag-iintayin mo pa ako." then I pout.

"Huwag kang ngumuso diyan. Mukha kang tanga." sige lang ibahin mo lang yung topic Lotte. Mapupuno na talaga ako sa'yo.

"Tss. Ano na nga kasi!?" medyo napasigaw na ako. Hindi ko na kasi matiis.

"Haha! Chill lang Brianne. You'll be a maid." M-maid? Sige okay lang, hindi naman ako choosy. Kahit anomg trabaho papasukan ko. Wag lang pokpok, hindi ko kaya ibenta ang katawan ko para lang makakita ng pera. May marangal namang trabaho, eh di doon.

"Sige. Go na go ako diyan. Kayang-kaya kong maglinis ng bahay." sabi ko habang tinataas-taas pa yung dalawa kong kamay.

"Talaga lang ha? Baka maya-maya sumuko ka diyan. Hahaha! At paniguradong pasasalamatan mo ako dahil inbinigay ko iyon sa iyo." baliw talaga 'tong si Lotte. Sino ba naman hindi matutuwa, dahil may trabaho na? Shiz.

"Malamang! Magkakatrabaho na ako, matutuwa ako syempre." the I saw her smirk. Problema na naman ng babaeng 'to? Parang laging may binabalak. Nakakaalata na ako ah.

Napa-iling na lang ako. Pero hinigit naman agad ako ni Lotte papunta sa labas.

"H-Hoy! T-teka, h'wag mo akong hilahin. Saan ba tayo pupunta?" pero hindi niya ako sinagot. Patuloy lang ang paghatak niya sa akin hanggang sa maisakay na niya ako sa kotse niya.

Nagsimula na siyang mag-drive. Hindi ko siya tinatantanan sa kakatanong. Hindi kasi niya ako sinasagot. Ngumingiti lang siya.

"Hoy! Bae! Saan ba kasi tayo pupunta?" tumingin lang siya sa akin at ngumiti. Nainis na ako, kaya niyugyog ko siya habang nag d-drive. Wahahaha!

"A-Ano ba Brianne Lay! Mababangga tayo sa ginagawa mo eh!" bulyaw niya. Ha! Hindi yan gagana sa akin. Hindi mo kasi ako sinasagot. Hinding-hindi kita tatantanan. Kala niya ha.

"Okay, okay. Sasabihin ko na. Huwag mo lang akong yugyugin. Naaalog utak ko." napahalakhak naman ako sa sinabi niya. Epic face kasi. Mukhang tanga.

"Pupunta tayo sa pagta-trabahuhan mo." nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. Eh paano ba naman hindi pa ako ready. Nakasaya pa ako ng pagkahaba-haba tapos nakalugay. Eh akala ko naman kasi...

He's the Father? (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon