Chapter 17

733 28 6
                                    

Sorry sa late update.

--

Chapter 17: Heartbeat

"Kung malakas ang loob mo, halikan mo nga si Paul. I dare you."

Tiningnan ko si Paul. He's calm. Parang wala lang sa kanya kung gawin ko. Pero gagawin ko ba?

Bahala na.

Lumapit ako sa kanya. Then I kissed his lips. Wala wala lang naman siguro 'to. Aalisin ko na sana, pero bigla niya akong hinawakan sa batok. Para mas lalong palalimin yung halik.

Habang hinahalikan niya ako, hindi ko alam kung naghahallucinate lang ako. Parang naririnig ko yung heartbeat niya. His heartbeat is being fast while we're kissing. I feel the same way. I don't care about the people who are watching us. Parang hindi na ata crush yung nararamdaman ko... I feel loving him now.

Hindi 'to pwede. Kaya hanggang sa maaari, pipigilan ko 'to. May Louisse na siya. Hindi kami talo, mayaman siya, mahirap lang ako. Saka ang masama nito, sa kanya pa ako nagtatrabaho. Natatakot ako na pag umamin ako sa kanya, mawala lahat yung pinaghirapan niya. Yung career niya na matagal na niyang iniingatan.

Inalis ko na yung labi ko sa pagkakahalik sa kanya. Namumula na ako sa hiya. Lahat sila nakita ang ginawa ko. Palihim kong tiningnan si Paul. Nakangiti siya. Siguro ako lang ang affected sa kissing scene namin. Mukhang wala lang sa kanya eh. Nakakangiti pa nga.

Gusto kong malaman. Gusto kong malaman kung bakit nag-iba siya. Parang ang sweet niya na ewan. Hindi ko maintindihan. Kailangan kong malaman 'to, hanggang maaga pa.

"Success!" nagtawanan silang lahat. Pinagtitripan lang ba nila ako?

"Guys, mauna na ako." hindi ko na sila hinintay pang sumagot at umalis na. Naiiyak ako sa nangyayari. Hindi ko talaga maintindihan.

Habang tumatakbo ako palayo, hindi ko alam kung saan na ako nakakapunta. Dirediretso lang ako, habang pinupunusan ko yung mga luhang pumapatak. Ang babaw ko talaga kahit kailan.

Tumigil na ako sa kakatakbo, pagod na pagod na rin kasi ako. Tumigil ako sa tabing dagat. Medyo dumidilim na, kaya wala nang tao dito. Ako na lang.

"Niloloko ba nila ako?" tanong ko sa sarili ko, habang nanginginig na. Dahil sa mga luhang tumutulo.

May nagawa ba akong masama kaya ganun na lang sila gumanti sa akin? Sa paraang ganoon pa? Kung saan yun ang kahinaan ko.

"Hindi ko na talaga maintindihan!!" sinigaw ko na yung gusto kong sabihin. Gusto kong malaman, pero paano? Walang may gustong magsabi.

"Hindi mo kasi alam." a familiar voice. Paul.

"B-bakit ka nandito?"

"Sinundan kita. Ito na siguro yung oras na kailangan mong malaman ang lahat." may nililihim nga sila. Peo bakit... bakit kailangan pa nilang gawin yun?

"Go. Explain." tipid kong sagot. Hindi ko kayang magsalita ngayon. Handa akong makinig.

"Brianne... gusto kita. Yung tungkol kay Louisse, palabas lang yun..." lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Totoo ba 'to? Baka nananaginip lang ako.

Sinampal ko yung pisngi ko, baka sakaling panaginip lang lahat ng ito.

"Wag mong saktan ang sarili mo. Totoo ang sinabi ko, walang halong biro. Noong nakita kita noong concert ko, ikaw na agad yung nakapukaw ng atensyon ko. Parang nung nakita kita... may sparks? Alam mo yun? Yeah, it sounds corny. But that is the truth. Nagpatulong ako kay Charlotte, para mas lalong mapalapit sa'yo." naiiyak ako, all this time, may gusto pala siya sa akin. Oa na kung oa, pero hindi ko mapigilan yung sayang nararamdaman ko.

He's the Father? (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon