Chapter 1

2K 52 10
                                    

Hi. Ngayon lang ako naka-isip ng update eh. Haha. Ginawa ko yan sa room namin habang walang klase. Message me for dedication.

Baby Charlie on the right side. 

* * * 

Chapter 1: Kyaaa!

"Lay! Pumunta ka nga dito!" sigaw ng nanay ko. Aba naman, kalma kalm lang. Pinapakain ko pa 'tong anak ko tapos tatawagin ako ng bungangera kong ina? Puta. Kailangan ko na yatang hatiin ang katawan ko.

"Saglit lang naman inay! Uso maghintay!" bulyaw ko. Malayo siya eh, kaya tinodo ko na ang pagsigaw ko. Para marining na rin ng kapitbahay. Nagbabakasakaling ampunin ako. Para hindi na kami mahirap.

"Mama, ayoko na." sabi ni Charlie

"No. You need to eat this baby. Alam mo bang marami ang hindi nakakain dahil sa kahirapan? Maswerte pa nga tayo dahil nakakakain pa." inubos niya naman agad yung mga natitira niyang pagkain. Buti na lang mabait 'tong anak ko. Manang-mana sa kanyang ina plus pogi pa. Mana rin sa kagandahan ko. Pero sino kaya ang kanyang ama? Clueless talaga ako. Gustung-gusto ko siya makita para mapakilala ko sa kanya ang anak niya.

Pagkatapos kong pakainin yung anak ko, naglaba na agad ako. Para mamaya wala na akong gagawin. Para mapanood ko ulit sa t.v namin ang Infineighty-8

(A/N: Pinalitan ko na yung name ng banda From POGI BAND to INFINEIGHTY-8. Sobrang corny kasi nung name dati eh, so I changed it. Okay lang ba yung name? Haha)

"Bilisan mo nga diyan Brianna!" anla! Galit na yung bungangera kong nanay. Eh ito na yung oras na magpeperform ang Infineighty-8 eh. Paano na 'to? Bahala yan.

Dali-dali akong nagtatakbo papunta sa salas. Iniwan ko na yung labada ko. Bahala na si inay doon.

Pagkabuhay ko ng t.v bumungad agad sa akin si Paul.

"Kyaaa! Paul Oliver ang pogi moooo! P*t*ng in*. Laglag panty ko sa'yoooo!" sigaw ko habang pinapanood ang pinaka-pogi na crush ko.

"Ang ingay mo Brianna! May anak na't lahat kireng-kire pa! Mahiya ka nga sa mga kapitbahay!"

"Minsan lang mangarap inay! Pagbigyan niyo na ako!"bulyaw ko sa kanya. Panira talaga ng momentum kahit kailan ang nanay kong iyon.

"Mama, ang ingay ingay mo naman." nagulat ako sa sinai ng anak ko, ngayon lang kasi niya ako sinabihan ng ganun. Dati rati naman hinahayaan niya lang ako magtitili dito. Weird.

"Sshh! Kyaaa! Paul! Akin ka na lang, ang galing galing mo talaga kumanta! Putaaaa!" Hindi ko talaga mapigilan. Sobrang nakakahanga talaga ang lalaking iyon.

*

Maaga akong gumising para ipaghanda ng almusal ang anak at nanay ko.

Maghahanap din ako ng trabaho, ayoko naman nung nagmumukmok lang ako sa bahay. Walang mangyayari sa akin pag wala akong trabaho. Hindi kami yayaman.

"Baby, come here." tawag ko kay Charlie.

"Why mama?" kung nagtataka kayo, he's 5 years old na. Tinuturuan ko rin naman siya kaya marunong mag-english. Matalino naman kasi ako, hindi sa pagmamayabang. Yun nga lang, hindi ako nakatapos ng kolehiyo. Alam niyo naman, mahirap lang kami. Hidi na kayang tustusin ng magulang ko ang bayarin.

"Papasok ka pa sa school."

"But... I don't want. Tutuksuhin lang nila ako. Na... wala akong tatay." bigla akong nalungkot sa sinabi niya. Alam ko namang nabubully siya dahil sa wala siyang ama. Nahihirapan na rin ako magpalusot sa kanya kung sino ba talaga at kung nasaan ba ang ama niya.

Kaya sinabi ko na lang na matagal ng patay ang papa niya.

Pipilitin ko talagang mahanap siya. Naaawa na ako sa anak ko eh, pati na rin sa sarili ko. Drama na. Ano ba 'yan.

Hinatid ko na si Charlie sa school niya.

Naglalakad ako ngayon, pauwi na sana. Kaso naisipan kong maghanap muna ng part time job. Kung suswertehin matinong trabaho sana ang mahanap ko.

Palinga-linga ako sa mga nadadaanan ko, baka sakaling may nakalagay na "Wanted Maid", "Wanted Helper" h'wag naman sanang "Wanted Puta". Jusko ayoko nun. Hindi ko kakayanin. Ibabayad ko ang sarili ko sa kung sinu-sino? Hell no.

"Babae!" napalingon ako kung sino yung tumatawag sakin. Wala aman kasing tao sa dinadaanan ko, kaya sigurado akong ako yung tinatawag nun.

"Uy! Ikaw pala yan Charlotte. Tagal na tayong hindi nagkikita ah." She's my highschool friend.

"Oo nga eh. Balita ko, may anak ka na." 5 years ago na yun, ngayon lang niya nabalitaan. Kung sabagay,masyadong matagal na rin naman kaming hindi nagkikita.

"Oo eh. Kaso..." Ugh. Hindi ko alam kung matutuwa pa siya kung sabihin kong hindi ko kilala ang ama ng anak ko.

"Kaso ano?"

"Hindi ko kilala yung tatay ng anak ko eh." napakamot ako sa ulo ko. Nakakahiya kasi eh.

"What!? How? Pero hanga ako sa'yo. Five years na ang nakakalipas kayang-kaya mong buhayin ang anak mo." nabuhayan naman ako ng dugo. Napangiti ako sa sinabi ni Charlotte. Kaya hindi ko mapigilang mapayakap sa kanya. Tunuturing ko na rin siyang bestfriend eh.

"Ewan. Pero umaasa lang ako sa nanay ko eh. Kaya nabubuhay ko yung anak ko." bigla naman siyang ngumiti. Weird ng babaeng 'to. Alam kong mayaman sila. Wag niya sabihing...

"May alam akong trabahong pwede mong pasukan."

"Ano?" ano kaya yun? Baka ito na yung solusyon ko para yumaman kami.

"You'll see." then she smirked. Hala. Nakakaloka, parang may iba? Kinakabahan tuloy ako.

"Naman eh! Para kang nananakot. Maiba lang, alam mo yung bandang Infineighty-8? Grabe 'te! Ang gwapo ng vocalist nila. Laglag bra at panty ko dun! Kilala mo ba?" halos mayugyog ko si Charlotte, kapag kasi yun ang pinag-uusapan hindi ko mapigilan yung kilig. Haha! Ngayon lang kasi ako nahumaling sa mga bandas.

"Oo naman. Sa totoo lang, mgkaibigan ko yung mga yun." nanlaki yung mata ko, parang biglang naging puso. Hahaha! Eh sino ba namang hindi? Kaibigan ng kaibigan mo ang crush mo?

"Talaga? Waaah! Puta. Hahaha! Pakilala mo 'ko sa kanila." tumalon talon pa ako sa tuwa. Oo mukha na akong tanga ngayon, masaya ako eh. Hindi ko lang mapigilan. Hihihi. Landi.

"Pag may time. Hahaha!" biglang nawala yung tuwa ko. Kainis naman si Charlotte eh. Hmm, busy rin siguro yung mga yun. Well, I understand them.

"Ah oo nga pala, kamusta na buhay buhay natin diyan?"

"Ayos naman. Tara nga sa bahay. doon natin ituloy yung pagku-kwentuhan natin. Pinagtitinginan tayo ng dumadaan eh." napatingin naman ako sa ibang tao. Oo nga, bigla tuloy akong namula sa hiya. Mukha pa namang tanga yung suot ko. Mahabang saya tapos naka-tsinelas lang ako. Losyang tuloy.

Nandito na kami ngayon sa mansyon nina Charlotte.

Grabe, ang mangyan ko talaga forever. Palinga-linga kasi ako. Napapa-wow pa. Nakita ko naman siyang patawa-tawa lang. Sorry naman, mahirap eh. Hahaha!

"Sino 'to?" tanong ko sa kanya. May nakita kasi akong picture frame ng mga bata.

He's the Father? (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon