Chapter 16

746 34 5
                                    

Chapter 16: Vacation

"Wag kang magsaya. Tayo lang dalawa." then he grinned.

Is he serious?!

As in seryoso talaga siya? Hindi kaya baka may kung anong mangyari doon? Baka masundan si Charlie. Hihi. Landi ko. Kainis.

"Feeling mo naman, tayo lang talaga. Mandiri ka naman! Ayokong makasama kita doon 'no. Wala lang kaming tagaluto." sabi na eh. Wala naman akong makukuhang magandang dahilan sa lalaking 'to. Akala ko pa naman, gusto na niya akong masolo.

"At kung iniisip mong gusto kitang solohin. Hell no!" mind reader ba 'to? Kainis naman. Sa isip ko na nga lang sinasabi para 'di niya malaman. Wa epek pa rin.

Ilang months na rin pala ang nakalipas noong nakasama ko si Baby Charlie. Nakakamiss na rin, isama ko kaya siya mamaya? Gusto ko 'tong naisip ko. Sana lang talaga. Sana payagan ako ng mokong na yun.

Lagi pa naman silang nag-aaway. Magkaayos pa kaya yung mag-ama? Paano kaya kung nalaman ni Charlie na tatay niya si Paul? Nataakot ako sa magiging reaksyon ng bata. Ayaw na ayaw niya kasi kay Paul. Hay.. buhay.

"Nyenye! Oo na. Katulong lang naman ako dito."

"Ay? Nag buffering? Ngayon lang nag-react? Tss." marunong din pala mambara ang kupal na 'to? Hmp! Paki ko sa kanya. Makaalis na nga dito. Baka magbangayan na naman na walang kakwenta-kwenta. Napakawarfreak kasi, kalalaking tao. Daig pa ang babae mang-away.

Umalis na ako at pumunta sa kwarto.

Naalala ko sina nanay kaya tumawag muna ako sa kanila bago ako mag-impake.

"'Nay! Kamusta na kayo diyan? Miss na miss ko na kayo. Lalo na si Charlie." sobrang miss ko na talaga yung bata. Matagal tagal na rin akong 'di nakakauwi sa bahay eh. Busy kasi mag-ipon ng pera. Hahaha! Marami-rami na rin akong naipon. Ipampapagawa ko kasi ng bahay namin. Yung di-semento na. Haha! Ang hirap kasi pag pawid lang ang bahay. Oras na bumagyo, posibleng madala.

(Ayos naman kami! Ay naku, si Charlie nga, gustong gustong pumunta diyan. Kaso umaayaw siya 'pag naalala niya si Paul.)

Galit talaga ang bata. Hay. Sana naman maayos 'to. Titiisin ko lahat... para lang sa anak ko. Kahit na anong sabihin sa akin ni Paul, hinding-hindi na ako magpapa-apekto. Wala na rin namang magagawa eh. Kesa naman magpaapekto pa ako, away at away rin naman ang kahahantungan. Baka umalis pa ako sa trabaho ko ng walang sa oras. Eh di lalong nawalan ako ng pang tustos sa anak ko? Buhay nga naman.

He's the Father? (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon